Talagang paborito ng marami ang fried chicken ng Jollibee. Pakiramdam mo’y bumabalik ka sa pagkabata tuwing maaamoy mo ang signature chickenjoy na ito. Ngunit dismaya ang naramdaman ng netizen na ito matapos makita na kakaiba ang kanyang fried chicken. Dahil imbes na manok, towel ang bumungad sa kanya.
Ibinahagi ni Alique Perez ang kanyang nakakadismayang karanasan matapos umorder ng Jollibee sa Grab Food. Ayon sa kanya, nagtaka siya dahil parang matigas ang manok at hindi nila ito mahiwa. Nang tinignan niya ito nang mabuti, saka lamang niya napansin na hindi pala ito manok, kundi towel.

Read More: Private Conversation ni Rob Moya at Lai Austria, Kumalat Online Matapos Ma-Hack ang Account Nito
Sa unang tingin ay aakalain mong fried chicken ito, dahil nababalutan ito ng breading. Ngunit nang binuksan niya ito, saka lumantad na towel lamang pala ito. Kaya naman agad itong pinicturan ni Alique dahil maging siya ay hindi makapaniwala sa pangyayaring ito.
“Ordered chicken for my son, while I was trying to get him a bite, I found it super hard to even slice. Tried opening it up with my hands and to my surprise a deep fried towel. This is really disturbing… How the hell do you get the towel in the batter and even fry it!?!? Yung totoo?”


Ayon pa kay Alique, dahil sa insidenteng ito ay napaisip siya sa pag-order ng pagkain mula sa stor. Noong una, inakala niyang peke lamang daw ang mga ganitong klase ng pangyayari, ngunit ngayong naranasan niya na ito ay naniniwala na siya.
Agad namang nag-viral sa social media ang post na ito. Maraming netizens ang agad napa-comment at pinayuhan si Alique na i-report ito sa store na inorderan niya upang agad itong maaksyunan.
Read More: “It’s very obvious”- Maris, Inamin na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni Rico Blanco!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment