12-Anyos Bata na 24 Oras ng Nawawala, Natagpuan na Na-Trap sa Bangin!

Para sa isang magulang, wala na siguro ang mas nakakatakot pa ang mawalay sa iyong anak. Kaya naman labis ang pag-aalala ng mag-asawang ito mula sa Matag-ob, Leyte matapos hindi umuwi ang kanilang 12-anyos na anak na si Christian. Ngunit hindi akalain ng mga magulang ni Christian na nasa bingit na pala ito ng panganib.

Kamakailan lang, itinampok sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang nakakakabang kwento ng dose anyos na bata na mayroong sakit sa pag-iisip.

Ayon sa kanyang ama, isang araw ay umalis siya upang pumunta sa kanyang kapatid. Ngunit pagbalik niya ng bahay, nagulat siya dahil bigla na lang nawala ang kanyang anak.

Read More: “It’s very obvious”- Maris, Inamin na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni Rico Blanco!

“Naligo kami doon sa kapatid ko. Pagka alis namin, umalis din siya. Pagbalik namin, wala na siya doon,” pahayag ni Reynaldo Bitoon, na siyang ama ng nawawalang bata.

Noong una, inakala nilang babalik rin ito agad. Ngunit lumipas ang bente kwatro oras at hindi pa rin umuuwi si Christian, kaya naman labis ang pag-aalala nila.

Agad namang ipinagbigay alam ng mga opisyales ng bayan ng Villaba sa Leyte na mayroong batang nawawala doon.

Nagpunta si Reynaldo upang matunton kung ito ba si Christian, ngunit bago pa man sila makarating ay nakatakas na ito. Sa pagmamadali ni Christian, nalaglag ito sa biyak ng lupa sa bangin.

Naipit si Christian sa pagitan ng dalawang malaking bato, at tanging ulo na lamang nito ang nakalabas. Hindi na rin ito makagalaw, dahil kapag nalaglag ito ay maaaring malaglag ito sa bangin na mahigit 20 metro ang lalim. Mabuti na lamang at may babaeng dumaan at narinig ang iyak nito.

Agad nagpunta si Reynaldo at ang mga rescuers upang mailigtas si Christian. Noong una’y hindi naging madali ito, lalo pa’t hindi makagalaw si Christian dahil sa pagkakaipit nito. Ngunit sa huli ay nagawa rin nilang mailigtas ang bata.

Read More: John Lloyd Cruz, Kapuso na? Magiging Leading Man ni Andrea Torres sa Bagong Sitcom!

Panoorin ang buong pangyayari sa video na ito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment