VIRAL: Hindi Makapaniwala ang mga Magulang Niya Matapos Itong Gawin ng Anak Nila sa Kanilang Basement!

Masipag ka rin bang mag-decorate ng iyong living space? Karamihan sa atin ay mahilig mag-ayos ng ating paligid, dahil bukod sa nakakatanggal ito ng stress, talaga namang mas masarap mag-relax kung maganda ang iyong tahanan. Kaya naman bilang sorpresa sa kanyang mga magulang, nirenovate ng anak na ito ang basement nila!

Noong June 9 ay nagbahagi ang Facebook page na Lad Bible ng isang transformation video. Ayon sa caption, napansin ng babaeng ito na si Jem Garcia mula sa Ohio na hindi na ginagamit ng kanyang mga magulang ang basement nila. Kaya naman sinamantala ng anak na ito ang oras habang wala ang kanyang nanay at tatay!

Read Also: Dating Goin’ Bulilit Child Star, Pinanganga ang mga Fans sa Nakakagulat na Transformation Nito!

Imbes na mag-hire ng mga professional interior designer at painters, si Jem na mismo ang nag-decorate at nag-ayos ng basement nila. Maliit lamang ang basement, at ginagamit ito ng kanyang mga magulang bilang storage unit. Ita-transform naman ito ni Jem bilang isang vibrant na comfort room.

Ini-record niya rin ang sarili niya habang inaayos ang basement. Nagsimula siya sa paglilinis upang matanggal ang mga kalat.

Matapos nito ay sinimulan na niyang pinturahan ang sahig ng aqua green at yellow. Matiyaga niyang pininturahan ito, at siya rin mismo ang nakaisip ng design ng floors.

Matapos nito ay pininturahan niya rin ang pinto at mga furniture. Talaga namang napakaganda ng kinalabasan nito! Agad namang nag-viral sa social media ang transformation na ito. Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga dahil sa talento at creativity ni Jen. Silipin ang mga komento nila dito:

“More than the appearance, it is the thought and effort that matters! I am sure her parents loved her work and thoughtfulness.”

“Looks fun and whimsical, and we all need a little bit of joy in our lives. I’m sure she had her parent’s consent and appreciation.”

“she turned her parents basement into splat City from Nickelodeon.”

Read More: Sunshine, Laking Pasasalamat Dahil Close si Diego Loyzaga sa mga Step-Sisters Nito

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment