Julia, Sumama ang Loob at Dinelete ang Vlog Kasama ang Amang si Dennis Padilla

May sama nga ba ng loob si Julia Barretto sa kanyang ama? Yan ang tanong na bumabagabag sa mga netizens matapos gawin ito ni Julia! Matapos magbigay ng interview ni Dennis Padilla kay Ogie Diaz, mapapansing binura naman ni Julia ang vlog kung saan ininterview niya ang kanyang ama ilang linggo na ang nakakalipas.

May 2 nang ibahagi ng aktres ang kanilang heart-to-heart talk ni Dennis sa kanyang Youtube channel. Dito ay napag-usapan nila ang kanilang mga pinagdaanan, at inalala rin ni Dennis ang naging hiwalayan nila ni Marjorie, na ina ni Julia. Inamin rin ng beteranong aktor na marami siyang pagkukulang sa kanyang ex-wife at mga anak.

Read More: Ex-Crew ng Jollibee, Ipinaliwanag ang ‘Foul Play’ na Nangyari sa Viral Jollitowel

Nagkaroon rin ng pagkakataon si Dennis na humingi ng tawad sa kanyang anak dahil sa mga pagkukulang niya. Sa kabilang banda, ipinahayag naman ni Julia na matagal na niyang napatawad ang ama.

Natutuwa rin ang aktres dahil muli na silang nagkakalapit matapos ang ilang taong hindi pag-uusap.

Ngunit matapos ang interview ni Dennis kay Ogie, marami ang nakapansin na burado na ang vlog nila ni Julia. Ayon sa mga netizens, maaaring sumama ang loob ng aktres dahil sa ibinigay na interview ni Dennis, kung saan naglabas ito ng hinanaing dahil hindi na daw niya nakikita ang mga anak.

Ayon pa sa iba, maaaring hindi rin nagustuhan ni Julia ang sinabi ng ama tungkol sa current boyfriend nito na si Gerald Anderson. Ayon kay Dennis, noong una ay nagalit siya kay Gerald dahil inakala niyang tinu-two timer nito ang kanyang anak, ngunit agad ring ipinaliwanag sa kanya ni Julia ang totoo.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang hindi nagustuhan ang latest na move na ito ni Julia. Para sa kanila, mas lalong naging nega ang image ng young actress dahil mukhang mas may oras pa ito sa kanyang boyfriend kaysa sa kanyang sariling ama.

Read Also: 12-Anyos Bata na 24 Oras ng Nawawala, Natagpuan na Na-Trap sa Bangin!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment