Hindi maipagkakailang maraming naggagandahang aktres sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Talagang walang katulad ang kagandahan ng mga Filipina! Kabilang sa mga pinakahinahangaang aktres ngayon ay sina Liza Soberano, Kathryn Bernardo, at Julia Barretto. Ngunit wala silang panama sa kagandahan ng beteranang artista na ito!
Lahat tayo ay kilala ang award-winning actress na si Gloria Romero. Sa ilang dekada niya sa showbiz, talagang tinagurian na siyang alamat.
Bumida na rin ang beteranang aktres na ito sa maraming pelikula at programa, at kahit pa nagka-edad na siya ay walang kupas pa rin ang kanyang talento sa pag-arte.


Sa kasalukuyan ay kilala ng mga kabataan si Gloria Romero sa kanyang role sa kid’s show na “Daig Kayo ng Lola Ko.” Marahil ay sanay na tayong makita siya na ginagampanan ang isang matandang role, ngunit alam niyo ba na dati ay isa si Gloria sa mga pinakamagandang aktres sa showbiz?
Taong 1949 nang lumabas si Gloria sa kanyang kauna-unahang pelikula na “Ang Bahay sa Lumang Gulod.” Exta pa lamang siya noon, ngunit marami ang nakapansin sa kanyang angking talento at ganda. Kamakailan rin ay ginawaran siya ng Lifetime Achievement Award ng MTRCB.


Maraming netizens ang talagang humanga matapos makita ang mga throwback photos ni Gloria! Sa isang larawan, makikitang nag-pose siya sa tabi ng kanyang throwback picture. Kahit ilang dekada na ang lumipas, talagang walang kupas pa rin ang kagandahan niya.
Silipin ang mga komento ng mga netizens dito:
“Wala parin kupas ang iyong kagandahan Ms. Gloria, parang lola ko lang hanggang ng?yon buhay pa siya at anlakas lakas pa at syempre maganda padin love you lola.”
“Ang lola namin, ang p?naka magandang babae sa television n nkita ko noon at hanggang ng?yon… DAIG KAYO NG LOLA KO.”


Read Also: Matandang Driver, Hindi Makapaniwala sa Ginawa ng Kapwa Motorista Matapos Mabangga ang Kotse Nito
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment