Kamakailan lang, nawindang ang mga netizens sa Twitter dahil sa look-alike ni Miss Universe 2018 Catriona Gray. Ikinumpara ng mga Pinoy fans si Catriona sa sikat na US-based singer na si Olivia Rodrigo, na half-Pinay din. Ayon sa mga fans, malaki ang pagkakahawig ng dalawa kaya naman maaari silang mapagkamalang magkapatid!
Si Olivia ang singer ng hit song na “Driver’s license” at “De ja vu.” At kahit pa 18-anyos pa lamang ito, kinakakitaan na siya ng potensyal ng mga fans! Nagbiro pa ang iba na dahil kamukhang kamukha niya si Catriona Gray, maaari rin daw sumabak si Olivia sa pageant world.

Read More: Nadine Lustre, May Haharaping Kondisyones Matapos Matalo sa Kaso Laban sa VIVA
Sa isang interview, ibinahagi naman ni Catriona na kahawig niya nga ang 18-anyos na singer. Natutuwa rin daw siyang makita na maganda ang takbo ng singing career ni Olivia. Nagbigay rin ito ng advice sa young star kung nanaisin man niyang sumabak sa mundo ng beauty contests.
“If you really want to go on that certain direction, with any career or opportunity, you need to be invested in it. It’s not something on a whim lang. It requires so much dedication, requires a lot of training and preparation so, if she wants it too, why not?”

Bukod pa dito, natutuwa rin daw si Catriona na malaman na fan niya rin si Olivia. Sa katunayan, open daw siyang makipag-collaborate dito in the future. Katulad ni Olivia ay isa ring talentadong singer si Catriona, kaya naman paniguradong magkakasundo ang dalawa sa kanilang shared interests.
“I see on Twitter all the time, people saying that we look alike. So funny, ‘no? But she’s doing so well. She’s so talented and so nice to see her on her debut album. She’s doing so, so well in such a young age. I would love to collaborate with her. That would be awesome,” dagdag pa ni Catriona.

Read More: Ellen Adarna, Tinawag na ‘Pangit’ at ‘Praning’ ang mga Babaeng Nagche-Check ng Phone ng Jowa Nila
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment