May sama nga ba ng loob si Julia Barretto sa kanyang ama? Ito ang tanong na bumabagabag sa mga fans matapos hindi batiin ni Julia ang kanyang amang si Dennis Padilla sa Father’s Day. Sa social media, nagbahagi si Julia ng larawan ng mga nagsilbing father figure sa kanyang buhay, ngunit hindi kabilang doon ang kanyang tatay.
Sa Instagram ay nag-post si Julia ng larawan ng mga father figures sa kanyang buhay, gaya na lamang ni Ian Veneracion, ng kanyang namayapang lolo, at ng kanyang ina na si Marjorie Barretto. Ngunit kapansin-pansin na tila dinedma lang ni Julia ang kanyang ama na si Dennis.

Read More: Rommel Padilla, Emosyonal na Ibinahagi na Malaki ang Utang na Loob Niya sa Anak na si Daniel Padilla
Dahil dito, maraming netizens ang napaisip na mayroong hidwaan sa pagitan ni Julia at Dennis. Matatandaang binura rin ng aktres mula sa kanyang Youtube channel ang one-on-one interview sa kanyang ama na inupload niya noong May. Sa kanilang interview ay nagkaroon ng intimate conversation ang dalawa.
Binura ito ni Julia matapos magpa-interview si Dennis kay Ogie Diaz noong June. Sa interview ni Dennis, ibinahagi niya na labis siyang nasaktan nang magpalit ng apelyido si Julia. Gayunpaman, malaki daw ang kanyang pasasalamat dahil mas napapalapit siya sa kanyang mga anak ngayon.


Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nag-react matapos hindi batiin ni Julia ang kanyang ama ngayong father’s day. Silipin ang kanilang mga komento sa ibaba:
“Attidue mo talaga girl! So off na nagpost sya ng picture ni Ian V na di nya kadugo tapos wala and biological dad nya.”
“Lahat naman silang magkakapatid walang post for their Dad. Even the eldest no post for Kier.”
“kung wLa tatay mo, wala ka pa rin sa mundong to. Sa totoo lang tayo. Di naman mamamatay tao or durugista tatay mo para itakwil mo.”


Read Also: Catriona Gray, May Tips sa Kalookalike na si Olivia Rodrigo Kung Sasabak ito sa Pageant
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment