Ayon nga sa kasabihan, kabataan ang pag-asa ng bayan. Kaya naman habang nasa murang edad pa lamang ay dapat na gabayan natin sila. Ito rin ang susi sa tagumpay ng isang Pinoy scholar na ito. Kamakailan lang, isang mag-aaral mula sa Cagayan Valley ang nagkaroon ng scholarship sa Ivy Leage university sa United States.
Si Edrian Paul Liao ay nagtapos mula sa Philippine Science High School Cagayan Valley. At dahil sa kanyang nakakahangang academic record, nakatanggap si Edrian ng offers mula sa iba’t-ibang international na unibersidad. Pinili ng 18-anyos na estudyante na mag-aral sa Duke University sa North Carolina, US.

Read More: Babae, Umani ng Batikos Matapos i-Prank ang Jollibee Crew at Umorder ng “Crispy Towel”
Dahil sa kanyang academic excellence, nagkaroon rin ng P16.4 million scholarship grant si Edrian mula sa Duke University. Kabilang sa mga sikat na graduates ng prestihiyosong unibersidad na ito ay sina Apple CEO Timothy Cook, philantrophist Melinda Gates, at dating US President Richard Nixon.
Ayon kay Edrian, ang kanyang ama ay magsasaka, samantalang midwife naman ang kanyang ina. Bata pa lamang daw siya ay itinaguyod na ng mga ito ang kanyang pag-aaral, kaya naman labis ang utang na loob niya sa mga ito, lalong-lalo na sa kanyang ina:
“Her investments for me really paid off, and I am forever grateful for what she has done for me,” pahayag ni Edrian.

Sa Duke University, BS Mechanical Engineering Minor in Computer Science ang kursong tatahakin ni Edrian. Siya rin ang kauna-unahang Pinoy na naging recipient ng Karsh International Scholarship Program, na mahigit USD 328,000 o P16.4 million.
“I felt ecstatic when I found out I got into such a prestigious and highly selective U.S. university. I’m most excited about meeting people from different walks of life… The students are really diverse,” pahayag ni Edrian sa isang interview.

Read More: Tupa, Halos Di na Makilala Matapos Ahitin ang Mahigit 34 Kilos na Balahibo Nito!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook.
0 comments:
Post a Comment