‘You and me against the world’ ang peg ng celebrity couple na sina Mahal at Mygz Molino. Kahit pa tutol ang mga kamag-anak ni Mahal sa kanilang relasyon, nanindigan ito na patuloy pa rin niyang mamahalin ang 35-year-old na Youtuber. Kamakailan lang, nagpaunlak ng interview si Mahal sa Philippine Entertainment Portal, kung saan nagbigya siya ng mensahe sa mga tutol sa kanilang relasyon.
Ipinahayag ng komedyante ang kanyang dismaya dahil hindi pabor ang kanyang pamilya kay Mygz. Ayon kay Mahal, kahit pa mag-iisang taon na ang kanilang pagsasama ay hindi pa rin tanggap ng mga kamag-anak niya ang kanilang relasyon, bagay na ikinasama ng loob ng 46-anyos na komedyante.

“Hindi ako ginagamit ni Mygz! Ang masasabi ko diyan, magka-tandem kami ni Mygz. Huwag niyo po kaming husgahan, huwag po ninyo kaming pakialaman. Habang buhay na ang tandem namin, hanggang sa uugod-ugod na ako, hanggang sa mawala ako sa mundo,” pahayag ni Mahal sa kanyang exclusive interview.
Sa Facebook, isang concerned na kapamilya ni Mahal ang nagsabing hindi nila gusto ang treatment ni Mygz kay Mahal.
Kinondena rin nila ang mga pranks nito na di umano’y ilang beses na nagpaiyak kay Mahal. Dagdag pa nito, tila ba ginagamit lamang ni Mygz si Mahal para magkaroon ng maraming views sa kanyang Youtube channel.
Ayon pa sa kan

ila, concerned lamang sila sa kapakanan ng komedyante. Ayaw rin nilang maulit pa ang masaklap na nangyari dito dati, kaya naman nais nilang mapalayo si Mahal kay Mygz. Iginiit rin nila na lagi silang nakasuporta kay Mahal, lalo pa’t concerned lamang sila dito.
“Lahat kami dito naiinis at nagalit sa gagong ‘yan, ilang beses ka na ipaiyak kahit prank lang yun, masakit para sa amin na umiiyak ka. Ayaw lang naman na maulit uli ang nangyari sa ‘yo nuon. Ginamit ka lang gagong ‘yan, tapos sasabihin niya hindi ka niya ginagamit. Kalokohan ‘yan Mahal. Walang ibang magmamahal sa ‘yo Mahal kondi mga pamilya mo lang.”
Read Also: Ogie, Proud na Ipinasilip ang Mukha ng Kanyang Misis na Bagong Gising at Walang Make-Up


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook.
0 comments:
Post a Comment