Grade 11 Student, sa Tulay Gumagawa ng Module Dahil Walang Wifi Signal sa Kanilang Tahanan

Sa kalagitnaan ng pandemya, isa sa mga apektado ay ang milyon-milyong mag-aaral. Upang maiwasan ang pagkalat ng virus, ipinatupad ng Depart of Education ang ‘new normal learning.’ Sa bahay na lamang dumadalo ng mga online classes ang mga estudyante.

Ngunit sa kabila ng kaligtasan ng online classes kumpara sa face-to-face learning, maraming estudyante pa rin ang naghihirap. Hindi lahat ay mayroong stable na internet connection at reliable na device upang makadalo sa araw araw na online classes.

Read More: Julia, Sumama ang Loob at Dinelete ang Vlog Kasama ang Amang si Dennis Padilla

Ayon nga sa kasabihan, kung ayaw may dahilan, kung gusto may paraan! Pinatunayan ng estudyanteng ito mula sa Naga City na hindi hadlang ang kawalan ng pera upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Agad nag-viral sa social media ang mga larawang ito.

Isang high school student mula sa Camarines Sur ang hinangaan ng mga netizens dahil sa dedikasyon nito sa kanyang pag-aaral.

Dahil walang wifi signal sa kanilang bahay, sa may tulay sa Naga river siya pumupwesto gabi-gabi para matapos ang kanyang mga modules.

Ayon naman sa kanyang guro na si Carla Bermundo, na siyang nagbahagi ng larawang ito, nawa’y ma-insire rin ang ibang kabataan sa kanilang pag-aaral.

Sa pamamagitan rin nito, inaksyunan ng local government ang pangangailangan ng mga estudyante upang magkaroon ng stable internet connection sa kanilang lugar.

Sabi pa ni Bermundo sa estudyanteng si Carla, “Nagpapakita po ito ng hope para sa mga kabataan, na kahit hindi nabiyayaan ng sapat na resources pero iyong willingness niya na matapos ang module niya sa kabila ng kakulangan ng resources pinagtiyagaan niya pa rin po.”

Read More: Ex-Crew ng Jollibee, Ipinaliwanag ang ‘Foul Play’ na Nangyari sa Viral Jollitowel

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment