Sabi nga nila, masusukat mo ang tunay na karakter ng isang tao sa harap ng pagsubok. Tunay ngang busilak ang puso ng mga tao na handang tumulong sa kapwa, ano man ang oras o lugar. May mga taong likas na matulungin, at kahit pa hindi nila kakilala ang iba ay hindi sila nagdadalawang isip na umaksyon. Gaya na lamang ng aktor na si Anjo Yllano.
Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang ginawang ito ni Anjo. Si Anjo ay isang beteranong aktor at host sa noontime show na “Eat Bulaga.” Ngunit alam niyo ba na sa likod ng kanyang pagpapatawa sa telebisyon, likas na matulungin si Anjo sa totoong buhay?

Read More: Batang Babae na Di Umano’y Pinaglihi sa Barbie, Hinangaan Dahil sa Kakaibang Itsura Nito!
Maraming netizens ang napahanga sa ginawa ng beteranong aktor na ito sa dalawang motorcycle riders. Sa isang photo na viral na ngayon online, makikitang naaksidente ang dalawang rider ng motor. Matapos mabangga ng truck ay sumemplang ang dalawang motor at tumilapon ang mga sakay nito.
Nagkataon naman na napadaan si Anjo sa lugar na pinangyarihan ng insidente. Agad itong lumabas upang tumulong sa mga sakay ng motor na tumilapon sa daan. Kinamusta niya ang lagay ng mga ito at siniguradong makakarating agad ang ambulansya upang mabigyan sila ng paunang lunas.


Bukod dito ay nagbigay rin ng payo si Anjo sa lahat ng mga motorcycle riders. Sa social media, nagpaalala si Anjo sa mga motorista na maging maingat at alerto sa daan sa lahat ng oras lalo pa’t hindi natin inaasahan ang aksidenteng mangyayari.
“Attending to casualties of motorcycle vs truck vehicular accident in Sipocot, Camarines Sur. Please lang sa mga nagmomotor, hindi po parte ng motor ang katawan niyo. Lagi kayo mag-iingat po. Salamat po Migz Villafuerte for the super fast response sir. Hope they will be fine.”
Read Also: Business Tycoon, Nag-Regalo ng P700 Million sa Anak na Nakapagbigay sa Kanya ng Lalaking Apo


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment