Isa ang Dubai sa mga pinakamaganda at maunlad na lugar sa buong mundo. Dito rin matatagpuan ang tinaguriang ‘richest teen in the world’ na si Rashed Belhasa. Si Rashed ay anak ng isang Emirati billionaire na si Saif Ahmed Belhasa, na may net worth na tinatayang £4 billion. Kaya naman sa murang edad ay namulat na sa marangyang buhay si Rashed.
Simula ng kanyang pagkabata ay nasanay na si Rashed sa marangyang pamumuhay dahil sa masaganang construction business ng kanyang ama. Dahil dito, nakakasalamuha niya rin ang mga sikat na artista at athletes gaya na lamang nila Nicki Minaj, Kim Kardashian, Lionel Messi, Cardi B, at marami pang iba!


Read More: Julia, Sumama ang Loob at Dinelete ang Vlog Kasama ang Amang si Dennis Padilla
Mahilig rin si Rashed sa mga hayop, kaya naman nagpatayo siya ng isang private zoo sa kanilang tahanan. Kumpleto sa mga exotic animals ang kanyang private zoo, at ang iba niyang mga alaga ay pinangalanan niya hango sa mga sikat na artista at cartoon characters.
Maraming artista rin daw ang nais na bumisita sa kanyang mansion at zoo, ngunit siya na mismo ang tumatanggi kapag wala siyang oras mag-entertain.
“Wiz Khalifa is my friend. Steve Aoki is my friend. They have all come to our farm. But sometimes I have to say no to celebrities who want to come here. I don’t have the time and it is tiring.”


Sa kanyang official Instagram account na mayroong 1.9 million followers, madalas rin ibahagi ni Rashed ang kanyang bonggang car collection. Mahilig siya sa mga sports car, at kasama sa kanyang koleksyon ay ang Supreme at Louis Vuitton collaboration ng Ferrari, na milyones rin ang halaga.
Bukod pa dito, mayroon rin siyang sneakers collection. Gaya ng mga teenagers na ka-edad niya, mahilig siya sa mga limited edition na Yeezys, Bapes, at Air Jordans. Ang kanyang kinikita sa clothing line at Youtube channel niya ay ipinambibili niya ng sneakers. Nais niya rin daw magbukas ng kanyang sariling trainer store sa Dubai balang araw.

Read More: Ex-Crew ng Jollibee, Ipinaliwanag ang ‘Foul Play’ na Nangyari sa Viral Jollitowel
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment