PM is the Key! Celeb Couple Lovely Abella at Benj Manalo, Nakapagpatayo ng Bahay Mula sa Online Selling

Sa panahon ngayon, usong-uso na ang online selling sa social media. Lalo na nang magsimula ang pandemya, dahil marami ang nawalan ng trabaho at kumakapit sa online selling upang kumita. Kahit mga mayayaman at sikat ay nagbebenta na rin online, at kabilang na sa kanila ang celebrity couple na sina Lovely Abella at Benj Manalo.

Kabilang sina Benj at Lovely sa mga labis na naapektuhan ng pandemic. Dahil sa lockdown, nawalan sila ng projects kaya naman naghanap sila ng ibang pagkakakitaan. Dito na napagdesisyunan ni Lovely at Benj na mag-start na kanilang online business na tinawag nilang ‘BenLy’s Online Shop.’

Read More: Tupa, Halos Di na Makilala Matapos Ahitin ang Mahigit 34 Kilos na Balahibo Nito!

Nagkakaroon ng live selling ang aktres, kung saan ibinebenta niya ang mga original na designer bags. At dahil sa salestalk at charm, maraming customers ang nae-enganyo na bumili nito. Kaya naman agad na lumago ang online negosyo ng mag-asawa, at kamakailan lang ay ibinahagi nila ang magandang balitang ito!

Dahil sa kanilang sipag at tyaga, unti-unting nagbunga ang paghihirap ng celebrity couple. Gamit ang kanilang mga kinita ay nakapagpatayo sila ng kanilang dream house! Ibinahagi ni Lovely sa social media ang kanilang 3-storey home na bunga ng online selling.

“Lahat po ay pinaghirapan naming mag asawa tulad ng mga naipundar namin, halos 3 at 4 na oras lang ang tulog, nagdadal dal ng mahigit 4 na oras, kaya hindi po biro ang mag online selling, pero nakita niyo naman ang Pagod na yan, ang di namin inaasahang bahay ay mapapasa amin na.”

Ayon kay Lovely, nais niyang mainspire ang iba ring online seller na kumakayod. Hinimok niya rin ang mga ito na wag susuko at magtiis lamang upang makamit ang kanilang pangangarap, dahil walang imposible lalo pa’t kung magtitiwala ka sa Diyos.

Read More: Babae, Umani ng Batikos Matapos i-Prank ang Jollibee Crew at Umorder ng “Crispy Towel”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment