"Too shallow"- Ellen Adarna, Sinupalpal ng Netizen na Ito na Umalma sa Kontrobersyal na Pahayag Niya!

Kamakailan lang, umani ng iba’t-ibang komento sa social media ang actress na si Ellen Adarna. Naging usap-usapan si Ellen dahil sa kontrobersyal na pahayag nito tungkol sa pagche-check ng cellphone ng iyong karelasyon. Tinawag ni Ellen na ‘pangit’ at ‘praning’ ang mga babaeng nagche-check ng cellphone ng kanilang boyfriend.

Ayon sa 33-anyos na aktres, na kasalukuyang fiance ni Derek Ramsay, hindi niya pa naranasang mag-check ng cellphone ng mga naka-relasyon niya.

Kung sakaling magloloko man daw si Derek, hindi magdadalawang isip si Ellen na iwan ito gaya ng ginawa niya sa kanyang naging nobyo dati.

Read Also: Julia Barretto, Inulan ng Batikos Matapos Dedmahin ang Amang si Dennis Padilla sa Father’s Day

“I never check his phone. I’m not an ugly, psycho b*tch. Yung mga ganyan, para sa mga pangit lang iyan, mga insecure at praning. Hindi ko napagdaanan iyan. Never! Gwapa ko dzai pero kung mag binuan siya, goodbye!”

Gayunman, maraming netizens ang hindi sumang-ayon sa pahayag nito ni Ellen. Isa na sa kanila ang dating DJ na si Lacruiser Relativo, na nagpahayag ng kanyang saloobin sa social media. Ayon kay Lacruiser, mababaw ang pananaw ni Ellen kung pisikal na kaanyuan lamang ang naiisip niyang dahilan sa pagche-check ng cellphone.

“It isn’t about insecurity Ellen. Justifying it by external attributes which you labelled as “beautiful” is too shallow. Being beautiful alone is not an assurance of relationship’s longevity. What is more beautiful though is that you respect, and the commitment lives on with each other.”

Dagdag pa ni Lacruiser, sadyang maraming tao ang nakakaramdam ng assurance kapag chine-check sila ng kanilang partner. Ang mas mahalaga ay hindi nawawala ang respeto at commitment ng isa’t-isa.

Read Also: Joel Cruz, Ibinunyag na Mahigit P52 Milyon ang Nagastos Niya Para Ma-Conceive ang Walong Anak!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment