Dating Goin' Bulilit Child Star, Pinanganga ang mga Fans sa Nakakagulat na Transformation Nito!

Isa ka rin bang fan ng kids’ gag show na “Goin’ Bulilit?” Sa loob ng ilang taon, libo-libong bata ang laging nakatutok sa programang ito. Bukod sa pagpapasaya sa mga manonood, nagsilbi rin itong starting point ng mga child celebrities. Karamihan sa mga child stars sa “Goin’ Bulilit” ay talaga namang sumikat.

Isa na sa kanila si Timothy Lambert Chan. Bata pa lang ay sumabak na sa mundo ng showbiz si Timothy, at “Goin’ Bulilit” ang naging stepping stone niya sa kanyang career. Talagang maraming audience ang natutuwa dahil sa signature chubby face ni Timothy na talaga namang nag-uumapaw sa kacute-an!

Read More: John Lloyd Cruz, Kapuso na? Magiging Leading Man ni Andrea Torres sa Bagong Sitcom!

Bukod sa kanyang angking kacute-an, hindi rin maipagkakaila na talentado at magaling umarte si Timothy. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming fans ang laging nakaabang kay Timothy. Bukod sa “Goin’ Bulilit” ay bumida rin siya sa iba’t-ibang palabas.

Naka-trabaho niya ang co-child star na si Zaijan Jaranilla sa soap opera na “May Bukas Pa.” Ipinamalas rin ni Timothy ang kanyang galing sa pag-arte sa pelikulang “Sakal, Sakali, Saklolo.” Dito ay gumanap siya bilang anak ng mga bida na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Ngunit nang siya’y nagbinata na, mas pinili ni Timothy na wag ipagpatuloy ang kanyang career, sa halip ay nag-focus ito sa kanyang personal life.

Talagang napakabilis nga naman ng panahon! Sinong mag-aakala na ang cute na cute na child star noon ay isang ganap na binata na ngayon?

Kamakailan lang, nag-trending sa social media ang mga larawan ni Timothy. Maraming netizens ang napa-wow sa laki ng nakakagulat na transformation nito. Ang iba ay hindi makapaniwala na si Timothy ito. Nag-mature na ang kanyang looks, kaya naman agad nag-viral ang larawan niya sa social media.

Read More: “It’s very obvious”- Maris, Inamin na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni Rico Blanco!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment