Lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng sariling dream house pagdating ng panahon. Ito rin ang dahilan kung bakit tayo nagsusumikap sa buhay. Kaya naman maraming tao ang todo kayod pagdating sa trabaho para lamang makapagpundar ng bahay. Isa na sa kanila ang comedienne na si Kakai Bautista.
Kagaya ng karamihan, nangangarap rin si Kakai na makapagpatayo ng sariling bahay niya. Hindi lamang ito para sa kanya, kundi para na rin sa kanyang pamilya. Kaya naman nangako si Kakai sa kanyang sarili na magsusumikap siya upang makamit ito.

Read Also: Bea Alonzo, Inalala ang Panahong Walang-Wala Siya at Nangungutang Lamang kay John Lloyd
Kamakailan lang, ibinahagi ng komedyante sa kanyang vlog ang kanyang pinagdaanan para lamang makamit ito. Ayon kay Kakai, matagal na niyang ipinagdadasal sa Diyos na makapagpatayo siya ng sariling bahay niya, at sa wakas ay natupad na ito!
Sa kanyang 20 years sa showbiz, unti-unti na ring nakapag-ipon si Kakai upang magpagawa ng bahay. Nakabili siya ng lote sa Laguna, kung saan nagpatayo siya ng 2-storey house. Mas lalo siyang sinisipag magtrabaho at tumanggap ng mga projects upang matapos ang construction.

“Ngayon lang kami nagkaroon ng sariling bahay. Sa latest kong vlog, pinasilip ko itong munting tahanan namin. Di pa siya tapos dahil ipapaayos ko pa sana ang interior kung hindi nagkaroon ng pandemya. At naniniwala ako na makakalipat na kami,” pahayag ni Kakai sa Instagram.
Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nag-congratulate sa komedyante dahil sa kanyang achievement. Maging ang mga kapwa niya artista ay labis ang tuwa sa naabot ng kanilang kaibigan. Talagang nakaka-inspire nga naman makita ang bunga ng iyong paghihirap. Congrats, Kakai!

Read More: Netizen, Nagreklamo Matapos Madiskubreng Towel Pala ang Laman ng Chickenjoy Order Niya!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment