Netizens, Laking Gulat Matapos Malaman na Dito Pala Napupunta ang Di Nabentang Tinapay sa BreadTalk

Mahilig ka rin bang kumain ng tinapay? Kung oo, malamang ay tinatangkilik mo rin ang BreadTalk. Isa ito sa mga pinakasikat na bakery and pastry store sa banda na matatagpuan sa mga malls. Bukod sa maraming selections ng mga tinapay, talagang masasarap din ang mga ito kaya naman dinadayo ito ng maraming customers.

Isa pa sa mga nagugustuhan ng customers sa BreadTalk ay laging fresh from the oven ang mga tinapay nito. Ngunit hindi araw araw ay nauubos ang kanilang mga paninda.

Kadalasan, may mga tinapay na hindi nabibili bago ang kanilang closing time. Curious ka rin ba kung anong ginagawa nila dito?

Read More: Ex-Crew ng Jollibee, Ipinaliwanag ang ‘Foul Play’ na Nangyari sa Viral Jollitowel

Kadalasan, bago magsara ang mga bakery ay mayroon silang promo na buy one take one. Ginagawa nila ito upang maubos ang kanilang mga tinapay at hindi ito masayang. Ngunit paminsan-minsan, mayroon rin silang ibang teknik para mapakinabangan pa ang mga ito.

Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa social media. Nagkataon raw na nasa BreadTalk siya habang closing time nito. Maya-maya pa, isang lalaki ang lumapit sa manager at nagtanong kung ‘pwede na.’ Ipinaliwanag naman ng manager kung bakit ito ginawa ng lalaki.

Ayon sa manager, ang mga hindi nila nabebentang tinapay ay idino-donate na lamang nila sa charity. Gabi gabi, nagpupunta ang mga delivery man upang ibigay ang mga tinapay sa iba’t-ibang lugar. Sa ganitong paraan, hindi ito masasayang at makakatulong pa sila sa ibang tao.

Mas pinili rin daw ng management ng BreadTalk ang ganitong proseso dahil mas priority nito ang pagpapalaganap ng kabaitan kaysa sa mataas na kita. Kaya naman maraming netizens ang sumaludo sa kabutihang loob ng store na ito!

Read Also: 12-Anyos Bata na 24 Oras ng Nawawala, Natagpuan na Na-Trap sa Bangin!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment