Mommy Pinty, Naging Emosyonal Matapos Alalahanin ang Pag-Aagaw Buhay ni Toni

Isa sa mga pinakahinahangaang vloggers ngayon ay ang magkapatid na sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga. Kahit pa isang taon pa lamang si Toni sa pagv-vlog, umakyat na agad sa mahigit 3 million ang kanyang subscribers dahil sa kanyang meaningful content. Kamakailan lang, nag-guest sa kanyang channel si Mommy Pinty at Alex.

Bilang selebrasyon sa Mother’s Day, inimbitahan ni Toni ang kanyang nanay upang magkaroon sila ng heart-to-heart talk.

Marami silang napag-usapan at may mga memories rin na binalikan ang tatlo. Ngunit ayon kay Mommy Pinty, isa sa mga di niya makakalimutan ay nang malagay sa panganib si Toni noong bata pa ito.

Read More: “Ang mga savings naghihingalo na”- Robin Padilla, Aminadong Nagalaw na ang Savings ng mga Anak Dahil sa Pandemic

Ayon kay Mommy Pinty, noong bata pa si Toni ay naglalaro lamang ito sa kanilang bahay. Maya maya pa, nagulat na lamang daw sila nang makitang nawalan ito ng malay. Nanlupaypay daw si Toni at mas lalong kinabahan si Mommy Pinty nang makita niyang nag-iiba na ang kulay nito.

“Kulay ano talaga, black and blue. Para kang patay nun. Tapos yung dila niya umuurong. Nakakatakot talaga. Ang ginawa ko, inakyat kita sa mommy, sa lola niyo. Ibinigay kita tapos nagkulong ako sa kwarto, nagkulong ako sa cabinet at nag-pray ako doon,” ayon kay Mommy Pinty.

Noong mga oras na iyon, tanging dasal na lamang daw ang nagawa ni Mommy Pinty dahil hindi niya kinaya ang kanyang emosyon. Emosyonal rin ang kanilang tatay na si Bonoy at ito mismo ang nagsugod sa ospital kay Toni.

Ayon kay Toni, simula ng magkaroon siya ng anak, lagi ring nakaalalay sa kanya si Mommy Pinty. Pagdating sa pag-aalaga kay Seve, talagang hands-on na lola raw ito.

Sa katunayan, malaki ang utang na loob ni Toni dito dahil si Mommy Pinty rin ang gumabay sa kanya upang maalagaan ng maayos ang kanyang anak.

Read Also: Alexa Ilacada, Nais Magpa-Psychiatrist Dahil sa Kanyang mga Pinagdadaanan Ngayong Pandemic

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment