Bukod sa ganda at talento ni Donnalyn Bartolome, kilala din ito sa pagiging outspoken sa social media. Kamakailan lang, sinagot nito ang isang netizen na nag-advice sa kanya na mag-anak na. Ayon sa netizen, tumatanda na si Donnalyn at mahirap tumanda ng walang anak, kaya naman inuudyok niya ito na mag-settle down na.
“Mas mahirap tumanda na gagawing retirement ang mga anak. Have children because you want to experience the joys of being a parent. Not with the intention of obligating them of responsibility that isn’t theirs,” paliwanag ni Donnalyn sa comment ng netizen sa kanyang Facebook page.

Read More: Ethel Booba, Ipinasilip ang Napakagandang Resort na Katas ng Paghihirap Niya sa Showbiz
Ayon sa vlogger, hindi dapat gawing retirement plans ang mga anak. Kung magkakaroon din daw siya ng anak, sisiguraduhin niya na hindi sila lalaki para lamang buhayin ang kanilang mga magulang. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit hindi pressured si Donnalyn sa pagkakaroon ng anak.
Bukod pa dito, hinikayat rin ng ‘social media goddess’ ang kanyang mga fans na imbes na umasa sa kanilang mga anak ay mag invest na lamang sa business o di kaya’y sa life insurance. Sa ganitong paraan, walang magiging obligasyon sa kanila ang mga anak nila sa hinaharap.

“Invest your money in business, health, and life insurance instead. Ipapanganak mo anak mo sa mundong to para parusahan kasi ganun din naranasan mo? End the cycle. Overpopulated naman na din tayo, mag aso o pusa ka na lang,” dagdag pa ni Donnalyn.
Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang umagree sa pahayag nito. Karamihan sa kanila ay mga millenials na magulang na rin. Ayon sa iba, ayaw nilang maranasan ng mga anak nila ang naranasan nila, kaya naman nagsusumikap rin sila na mabigyan ito ng magandang kinabukasan.
Read Also: “Sinadya ko talaga”- Katorse Anyos na Babae, Nagpabuntis Upang Hindi Iwan ng Jowa Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment