Jowa Noon, Best Friend Ngayon! 5 Pinoy Celebs na Magkaibigan pa rin Matapos Mag-Break

Kaya mo bang makipagkaibigan sa iyong ex pagkatapos ng inyong break-up? Karamihan sa atin, mas pipiliing tuluyang kalimutan ang mga memories ng ating ex. Pero meron rin namang mga tao na kaya pa ring makipagkaibigan kahit pa mayroon silang nakaraan. Gaya na lamang ng mga Pinoy celebrities na ito na couple noon, pero best friends na ngayon!

Sa kabila ng kanilang break-up, mas pinili ng mga ex-celebrity couples na ito na isalba ang kanilang pagkakaibigan. Kaya naman kahit pa mapait ang naging hiwalayan nila, hanggang ngayon ay nananatili pa rin silang friends.

1. Julia Barretto ang Joshua Garcia

Taong 2019 nang maghiwalay ang “JoshLia” matapos ma-link si Julia kay Gerald Anderson. Noong mga panahong iyon, kabilang sila sa mga pinakasikat na love teams sa Kapamilya network. Noong February 2021, muling naging magkatrabaho ang dalawa para sa music video ng “Paubaya” ni Moira dela Torre.

2. James Reid and Nadine Lustre

Maraming fans ang nalungkot nang ibalita ni James at Nadine ang kanilang hiwalayan nooong January 2020. Ngunit kahit pa naghiwalay na sila, patuloy pa ring nakikita ang dalawa sa publiko at bahagi pa rin si Nadine ng music label ni James. Ilang buwan ang nakalipas at kinumpirma naman ng dalawa na muli na silang nagbalikan.

3. Lou Yanong and Andre Brouillette

Nagsimula ang nakakakilig na relasyon ng “LouDre” sa loob ng Pinoy Big Brother noong 2019. Ngunit sa kabila ng kanilang kilig moments, matapos lamang ang dalawang taon ay naghiwalay din ang dalawa. Ayon kay Andre, kahit pa naghiwalay na sila, patuloy pa rin ang friendship nila ni Lou. Mas pinili lamang daw nilang mag-focus sa kanilang career.

4. Kristoffer Martin and Joyce Ching

Kabilang sina Kristoffer at Joyce sa mga pinakasikat na love teams ng Kapuso network noon. Naging mag-tandem din sila sa mga programa at pelikula, at di nagtagal ay na-in love sila sa isa’t-isa. Ngunit noong 2013, naghiwalay ang dalawa at inamin sa mga fans na maayos pa rin naman ang kanilang pagkakaibigan.

5. Jennylyn Mercado and Patrick Garcia

Kahit maikli lang ang naging relasyon ni Jen at Patrick, nagbunga naman ang pagmamahalan nila nang isilang ni Jennylyn si Alex Jazz. At ngayong malaki na si Jazz at may sariling pamilya na rin si Patrick, dumadalaw pa rin si Jennylyn sa pamilya ng kanyang ex.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment