Namimiss mo na ba ang mga simpleng laruan noong 90s? Noong mga panahong iyon, sa halagang piso ay makakabili ka na ng iba’t-ibang laruan sa tindahan gaya na lamang ng tex, paper dolls, pogs, at iba pa. Isa rin sa mahilig paglaruan ng mga bata noon ay ang ‘kisses,’ na tuwing nilalagyan ng tubig ay lumalaki na parang sago!
Maging ang Kapamilya star na si Nadine Lustre ay nahilig rin maglaro ng kisses noong bata pa lamang siya. Si Nadine ang isa sa mga pinakasikat na aktres sa industriya ng showbiz ngayon, ngunit bago pa man siya sumikat, nagkaroon rin siya ng normal na kabataan kagaya natin. Isa sa mga kaklase ni Nadine dati ay nagsalita rin tungkol sa attitude ng aktres.


Read More: WATCH: Sundalo, Sinorpresa ang Nanay Niyang Isang Taon Rin Niyang Hindi Nakita
Isang netizen ang nag-open up sa Twitter tungkol sa di umano’y side hustle ni Nadine dati. Ayon sa netizen, dati niyang kaklase si Nadine noong elementary pa lamang sila. Nagbebenta raw ito ng kisses at nangako na lalago ang kisses at magiging Pokemon ito. Ngunit nadismaya daw ang mga kaklase niya nang hindi ito naging Pokemon.
“Nadine Lustre was my classmate in elementary. She sold me kisses, yung parang sago? She told me those grow, they would turn to actual pokemon. I still bought them because I was a pokemon fan. Nadine! Those kisses never turned to Blastoise!”

Bukod pa dito, ibinunyag rin ng netizen na dati pa man ay mabait at humble na rin si Nadine. Noong elementary days nila, mas mahilig raw si Nadine sumama sa kanilang mga lalaking friends at ‘one of the boys’ daw ito.
“I’ve lost contact with her since I left the school we were together in, but she was a great friend growing up. Mas kalaro niya kaming mga boys. Would love to see her in person after so many years pero feeling ko malabo na yun. At malabo ko na siya masingil dun sa kisses,” dagdag pa nito.
Nag-react naman si Nadine dito, at ayon sa kanya, sa Divisoria niya nabili ang mga kisses na iyon. Inakala niya rin daw na nagiging Pokemon ang mga ito, ngunit nadismaya siya nang walang mangyari dito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment