"Sinadya ko talaga"- Katorse Anyos na Babae, Nagpabuntis Upang Hindi Iwan ng Jowa Niya

Sa panahon ngayon, nakakaalarma na ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa bansa. Parami na ng parami ang mga teenagers na nagiging batang ina sa kabila ng pandemic. Karamihan, dahil sa kanilang murang edad, hindi pa nila alam ang mabigat na responsibilidad ng pagiging magulang. Isa na sa kanila ay ang Wowowin constestant na ito.

Viral ngayon sa social media ang kakaibang kwento ng Wowowin contestant na ito. Sa kanyang interview kay Kuya Wil, ibinahagi niya ang love story nila ng kanyang asawa. Ayon dito, katorse anyos pa lamang siya nang magdalang-tao siya dahil nais niyang ipakita sa kanyang boyfriend na mahal na mahal niya ito.

Photo: Rappler

Read More: Rabiya Mateo, Nagkaroon ng Wardrobe Malfunction sa National Costume ng Miss Universe Pageant

Dagdag pa ng contestant, kaklase niya ang kanyang boyfriend at nahulog ang loob nila sa isa’t-isa. Di nagtagal, nakiusap siya sa kanyang ina na hayaan silang magsama sa iisang bubong para hindi na siya laging umaalis sa kanilang bahay. Pumayag naman ang kanyang nanay at sa edad na 13-anyos ay nag-live in na sila.

Upang hindi na makawala pa ang kanyang boyfriend na si Gerald, nagdesisyon siya na tuluyan nang magpabuntis dito. Kaya naman ng siyang mag-katorse anyos na, nagpabuntis siya. Ngunit bigla na lamang umalis ang kanyang boyfriend at natakot ito, kaya naman hinabol niya ito.

“Bale nung 14 ako Wil, nabuntis ako na. Sinadya ko talagang magpabuntis kasi ayaw ko siyang makahanap ng iba kasi may balak pa ata akong iwanan. Mahal na mahal ko talaga siya. Sinabi ko, ‘Gerald, buntis ako,’ nagulat ako kasi parang wala siyang reaksyon.”

Sa huli ay ikinasal rin ang dalawa. Ngunit sa kabila ng masayang ending ng kanilang love story, maraming netizens naman ang nag-react dito. Ayon sa iba, dapat ay hindi nino-normalize ang teenage pregnancy dahil maaaring gayahin ito ng mga kabataan.

Read Also: Nakatakdang Kasalan ni Carla Abellana at Tom Rodriguez, May Petsa na!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment