Zeinab Harake, Ibinuking na Mahigit Sampung Male Celebrities ang Nagme-Message sa Kanya!

Isa si Zeinab Harake sa mga pinakahinahangaang vloggers sa Pinas ngayon. Dahil sa kanyang exotic beauty at ‘kalog’ personality, hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming fans ang nahuhumaling kay Zeinab. At kamakailan lang, ibinahagi nito na maging mga artista pala ay nagme-message rin sa kanya sa social media.

Kamakailan lang ay nagpaunlak si Zeinab ng interview sa kanyang kaibigang vlogger na si Mika Salamanca. Upang mas maging exciting ang kanilang collaboration, nagkaroon sila ng “Spill it or Drink it” challenge. Kung saan magtatanong si Mika ng kontrobersyal na tanong kay Zeinab, at kung hindi niya ito masasagot ay dapat siyang uminom.

Read More: 13-Anyos na Bata, Napilitang Magpakasal sa 48-Anyos na Lalaki Bilang Panlimang Asawa Nito

Isa sa mga itinanong ni Mika ay tungkol sa love life ni Zeinab. Curious ito kung may mga male celebrities ba ang nagme-message dito, at kung anong reaksyon niya tuwing nakakatanggap siya ng private message. Natawa naman si Zeinab sa tanong, ngunit mas pinili nitong sumagot.

Ayon kay Zeinab, mahigit sampung male celebrities mula sa iba’t-ibang networks na ang nakapag-message sa kanya sa social media. Ngunit hindi niya ito nirereplyan, at mas minabuti na lamang ni Zeinab na wag pansinin ang kanilang mga pm.

“Marami! Ayokong magkaroon ng issue. Baka sabihin naman gandang-ganda ako sa sarili ko porket dinedma ko sila! Pero marami talaga. Lagpas sampu. Puro mga artista talaga, magkakaiba ng network,” pahayag ni Zeinab.

Nilinaw rin niya na hindi niya ito ginagawa dahil feeling maganda siya, kundi ayaw niya lang magselos ang boyfriend niyang si Skusta Clee.

Sa kabilang banda, agad namang nag-viral ang video na ito sa social media. Maraming netizens ang nacurious kung sino-sinong mga male personalities ang nag-message kay Zeinab, ngunit mukhang wala itong plano na ibunyag ang identity ng kanyang mga admirers.

Read More: Sexy Star Sunshine Guimary, Nahuli sa Akto ang Ex-Boyfriend na May Kasamang Ibang Babae!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment