"Bimby is not gay"- James Yap, Nag-React sa Bali-Balitang Kumakalat Tungkol sa Anak na si Bimby

Talagang napakabilis ng panahon! Parang kahapon lang ay isang maliit na paslit pa ang anak ni Kris Aquino at James Yap na si Bimby. Ngayon ay isang ganap na itong binata sa edad nitong 14-anyos. Sa kabila ng pagiging mabuting anak ni Bimby, may mga taong nagpapakalat ng balita tungkol dito. Maraming tsismis ang kumakalat tungkol sa kasarian niya.

Sa social media, maraming netizens ang nagsasabi na maaaring gay o bakla si Bimby dahil di umano sa malambot na kilos nito.

Ngunit sa kabila ng lahat, hindi naman pinapatulan ni Kris ang mga bashers na ito. Kamakailan lang, nag-komento naman ang tatay ni Bimby na si James Yap tungkol sa kasarian ng kanyang anak.

Read More: Maui Taylor, Nag-Viral Matapos Sagutin ang Lalaking Nambastos sa Kanya Online!

Ayon kay James, sigurado siya na hindi bakla si Bimby dahil nakasama niya ito simula pagkabata. Ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi siya basta-basta nagre-react sa mga tsimis sa social media, dahil kilala niya ang totoong pagkatao ng kanyang anak. Gayunpaman, hindi niya daw masisisi si Kris kung magre-react ito sa mga bashers.

“I’ve been quiet about the issue that Bimby is supposedly gay. Because I know for sure that he is not gay. I don’t believe in gossip. I was with Bimby till he turned 7, that’s why I know he’s a real boy. Because even if a kid is still young, it’s already obvious if he’s gay,” pahayag ng basketball star.

Sa kanyang nakaraang heart-to-heart talk kasama ang kanyang ina, nilinaw rin ni Bimby na kilala niya ang kanyang sarili. Ayon dito, dine-dedma na lang rin niya ang mga komentong natatanggap niya sa social media. Nilinaw naman ni Kris na kung ano man ang katauhan ni Bimby ay tanggap niya ito ng buong puso.

“Wala, I don’t really feel anything. If you think I’m gay, alright. But you do realize that the gay community sa Philippines is a strong community. And you do realize that I’m 14. I know what I am. I’m straight as an arrow.”

Read Also: Batang Siyam na Taong Gulang, Nagta-Trabaho Bilang Mascot Para Makatulong sa Kanyang Pamilya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment