Seaman, Proud na Ipinaglaban sa Social Media ang Plus-Sized Girlfriend Niya!

Kadalasan, nahushusgahan ang mga kalalakihan pagdating sa pag-ibig. Maraming tao ang nag-iisip na panlabas na kaanyuan lamang ang tinitignan ng mga kalalakihan sa mga babae. Ayon pa sa iba, mas gusto ng mga lalaki ang sexy at magagana. Ngunit hindi ito totoo, dahil may mga lalaki pa rin na mas pinipili ang kagandahang loob ng kanyang makakapareha.

Kung makakatagpo ka ng lalaking hindi tumitingin sa panlabas na anyo, wag mo na siyang pakawalan. Sa panahon ngayon, bihira ka nang makakita ng ganitong klaseng lalaki na mamahalin ka ano pa man ang iyong itsura. Gaya na lamang ng binatang ito na nag-viral sa Facebook.

Read Also: Naantala ang Date na Ito Matapos Itapon ng Waiter ang Inumin ng Babae! Ngunit Ito Pala ang Totoong Dahilan Niya

Siguradong kikiligin at mapapa-“sana all” kayo sa love story ng couple na ito. Kamakailan lang, usap-usapan sa social media ang love story ng netizen na si Jeto Guanzon at ng girlfriend niya. Proud na proud na ipinakilala ni Jeto ang kanyang plus size girlfriend. Ayon dito, size doesn’t matter pagdating sa pag-ibig!

“She’s my girlfriend. She’s the one I love. Yes she’s big, yes she’s plus size. Yes she has great curves. And yes I love her. I just wanna tell you that not all men want party girls and sexy girls. I love her just the way she is. I feel like I’m a better man when I’m with her. She is always worth fighting for,” ayon kay Jenzon.

Ilang taon na ring matatag ang samahan nila ng kanyang girlfriend. At minsan, nakakatagpo raw sila ng mga judgmental na tao na kinun-kwestyon ang kanilang relasyon. Ngunit dinededma lamang ito ni Jenzon, dahil ang mahalaga raw ay mahal nila ang isa’t-isa.

Sa kabilang banda, agad namang nag-viral ang nakakakilig na love story na ito sa social media. Sa Facebook page na “Diary ng Seaman,” umabot sa mahigit 70,000 shares ang post na ito.

Read More: Lolo na Panyo Lang ang Nagsisilbing Face Mask, Laking Tuwa Matapos Makatanggap ng Tulong Mula sa Community Pantry

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment