Batikang Singer, Muntik na Mag-Cardiac Arrest Dahil sa Iniindang Matinding Karamdaman

Naaalala niyo ba ang ang beteranang singer na si Sheryn Regis? Sino nga ba naman ang makakalimot sa mala-anghel na boses ng singer na ito na talaga namang tumatak sa puso ng mga fans. Matatandaang nagsimulang sumikat si Sheryn matapos siyang sumali sa singing competition na “Search for the Star in a Million.” At dahil sa kanyang angking talento, itinampok siya bilang first-runner up ng programa.

Matapos ang kanyang stint sa singing competition, tuluyan nang pumirma ng kontrata si Sheryn sa ABS-CBN. Sa katunayan, ginamit rin ang mga kanta ni Sheryn sa mga sikat na television series sa Kapamilya network. Gaya na lamang ng mga palabas na “Marina,” “Krystala,” “Kampanerang Kuba,” “Gulong ng Palad,” “Maria Flordeluna,” at “Prinsesa ng Banyera.”

Read More: Ethel Booba, Ipinasilip ang Napakagandang Resort na Katas ng Paghihirap Niya sa Showbiz

Ngunit may mga pangyayari sa buhay na hindi inaasahan, gaya na lamang ng pagsubok na hinarap ng singer na ito. Taong 2016 nang ibahagi ng singer na mayroon siyang mabigat na pinagdaraanan. Sa kanyang nagdaang panayam sa “Magadang Buhay,” ibinahagi ni Sheryn na nagkaroon siya ng thyroid cancer.

“aBigla akong nahimatay, sobra yung fatigue. So that was the time na pinayuhan na ko ng doktor. And they found out, I was diagnosed with thyroid cancer,” pahayag ng singer.

Sa Cebu niya nalaman na mayroon siyang matinding karamdaman, kaya naman doon na rin niya napagdesisyunang magpagamot. Sumailalim siya sa treatment, at di kalauna’y kinailangan niya ring sumailalim sa surgery upang matanggal ang tumor. Ayon kay Sheryn, hindi rin alam ng kanyang mga magulang ito.

Sa awa ng Diyos, sa ngayon ay nakarecover na si Sheryn mula sa kanyang karamdaman. Muli na rin siyang nakabalik sa pag-awit na talaga namang nagpapasaya sa kanya. Talagang nakakamangha ang katatagan ni Sheryn upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na hinarap niya.

Read Also: “Sinadya ko talaga”- Katorse Anyos na Babae, Nagpabuntis Upang Hindi Iwan ng Jowa Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment