Alexa Ilacada, Nais Magpa-Psychiatrist Dahil sa Kanyang mga Pinagdadaanan Ngayong Pandemic

Sa kalagitnaan ng pandemic, iba’t-iba tayo ng pinagdadaanan. Bukod sa ating physical health, apektado rin ang ating mental health dahil sa lockdown. Kaya naman dapat ay pagtuunan rin natin ng pansin ang ating mental well-being dahil mahalagang aspeto ito ng ating kalusugan. Gaya na lamang ng aktres na si Alexa Ilacad.

Sa kanyang nakaraang interview sa Philippine Ultimate Showbiz Hub, inamin ng Star Magic actress na mayroon rin siyang pinagdadaanan ngayong pandemic.

Ayon kay Alexa, feeling ‘drained’ siya dahil sa kawalan ng human connection. Madalas rin daw ay nasa bahay lang siya at pakiramdam niya’y wala siyang nagagawa na kapaki-pakinabang.

Read More: Angel Locsin, Pasimpleng Nag-Abot ng Pera sa Isang Tatay na Umiiyak sa Ospital

“I feel useless not doing anything and just being stuck at home. There are days na when my schedule is jampacked and I just feel so drained for some reason. I guess because it’s the lack of human connection? I don’t know, some are thriving and some are just trying to survive,” pahayag ni Alexa.

Ayon pa sa 21-anyos na aktres, nais niya ring magpunta sa psychiatrist upang may mapaglabasan siya ng kanyang mga nararamdaman.

Hindi raw dapat magkaroon ng stigma ang pagkonsulta para sa iyong mental health, bagay na laganap sa ating bansa. Dagdag pa ni Alexa, hindi porket nagpa-psychiatrist ay mayroon ka ng sakit.

“I would love to have someone to talk to –a psychiatrist — just to untangle all the tangled thoughts in my head. I think there this really nasty stigma about seeing a psychiatrist that people automatically assume that there’s something wrong with you or something.”

Sa kabilang banda, hopeful naman si Alexa dahil nakahanap siya ng mga bagong kaibigan sa kanyang hit Netflix film na “Four Sisters Before the Wedding.” Ayon sa aktres, pinagdadasal niya na sana’y magtagal ang pagkakaibigan nila ng kanyang mga co-stars.

Read More: Maui Taylor, Nag-Viral Matapos Sagutin ang Lalaking Nambastos sa Kanya Online!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment