Sunshine Guimary, Game na Game Ipakita ang Kanyang 'Asset' sa Bed Scenes Nila ni Ion Perez

Maraming fans ang nakaabang sa latest na pelikula ng aktres na si Sunshine Guimary. Si Sunshine ang bibida sa sexy film na “Kaka,” kung saan makaka-partner niya sina Ion Perez at Jerald Napoles. At dahil sexy film ito, expected na rin na magkakaroon ng steamy bed scenes si Sunshine kasama ang kanyang leading man.

Sa isang interview noong May 18, ibinunyag ng aktres na walang takip o plaster ang kanilang mga bed scenes. Sa katunayan, kinailangan niya pa daw uminom ng alak para lamang magkaroon ng lakas ng loob na kayanin ang mga intense scenes na iyon sa harap ng camera.

Read More: Toni Fowler, Mananagot Matapos Magpa-Meet and Greet sa mga Fans sa Kalagitnaan ng Pandemic

“Dito sa Kaka, pati sa puwet, kita. Yung bed scene, as in total na bed scene na bed scene, yung walang tape o talagang walang takip na ganyan,” pahayag ni Sunshine. Gayunpaman, hindi niya nilinaw kung sino sa kanyang mga leading man ang kapartner niya sa eksenang iyon.

Ayon pa sa aktres, naiintindihan naman niya na ang sexy role na pinasok niya sa pelikulang ito. Gayunpaman, hindi niya mapigilang mag-alala dahil baka may mga menor de edad na makapanood sa kanyang pelikula. Ayon kay Sunshine, ‘malala’ talaga ang mapapanood nila.

Kaya naman nagbigay ng payo ang aktres sa mga bata na magtatangkang manood ng pelikulang ito. Ayon kay Sunshine, hangga’t maaari ay iwasan nila ang panonood ng “Kaka” dahil talagang intense ang mga bed scenes nila ng kanyang mga leading man.

“May worry lang ako sa part na ano… alam mo yung mga bata. Kasi, lahat ng mga bata, alam na nila ang galawan ng ano, di ba. Yung below 18, advice ko lang, ha? Baka magkasala pa ako sa advice na ‘to. Basta iwas-iwas na lang sa mga bata, yun na lang siguro. Kasi, nung napanood ko, dyusko! Malala siya talaga!”

Read Also: “It hurt”- Jericho Rosales, Naranasang Makutya ng Ibang Tao Dahil Hindi Magaling Mag-English

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment