Nitong nakaraang linggo, naging usap-usapan sa social media ang ginawang pang-aaresto sa sikat na vlogger na si Tim Sawyer. Matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay umusad na rin ang kaso na isinampa laban kay Tim ng kanyang dating kinakasama na si China Roces. Naghain na ng warrant of arrest dahil sa paglabag nito sa Anti-Violence Against Women and Children act.
Kasama ang mga opisyales ng National Bureau of Investigation at ni Atty. Gareth Tungol, tumungo si China sa bahay ng kanyang dating ka-live in sa Trece Martires, Cavite. Sa kasamaang palad, hindi na nila naabutan sa bahay si Tim. Sa isang interview, ibinahagi naman ni Atty. Tungol na nag voluntary surrender at nakapag-pyansa na rin si Tim.

Sa kauna-unahang pagkakataon, matapos ang kontrobersya na ito ay nagsalita na rin si Tim Sawyer sa social media. Sa kanyang official Facebook account, ipinahayag ni Tim ang kanyang disappointment dahil sa di umano’y nangyaring ‘circus’ na pag-aresto sa kanya sa kanyang tahanan.
“Di talaga dapat, salamat sa gumawa ng video na ito para maliwanagan naman mga tao ano talaga nangyari dito sa online circus na ginawa ng ex ko sakin,” pahayag ni Tim. Nagbahagi rin ang vlogger ng video ni Atty. Libayan ng “Batas Natin” upang ibahagi ang ginawang pagpapahiya di umano sa kanya ni China.

Ayon kay Atty. Libayan, hindi dapat ipinost sa Facebook Live ang ginawang pag-aresto kay Tim Sawyer. Dahil sa ganitong sitwasyon, maaaring isipin ng mga tao na guilty kaagad si Tim kahit pa wala pang hatol ang korte.
Nagiging unfair din daw ito sa defendant dahil maaaring ma-invade ang kanyang privacy.
Dagdag pa nito, sana ay wag lamang gamitin ni China ang kasong ito para mas lalong sumikat sa social media. Ayon kay Atty. Libayan, maraming RA 9262 na kaso na rin ang naudlot matapos makipag-areglo ang complainant.

Read Also: Mariel Rodriguez, Pinanganga ang mga Fans sa Bagong Sexy Transformation Niya!
Panoorin ang buong video dito:
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karansan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment