Isa si Sunshine Guimary sa mga pinakahinahangaang sexy stars ngayon. Dahil sa kanyang taglay na kagandahan at talento, maraming fans ang nagsasabi na mukhang si Sunshine na ang papalit kay Ivana Alawi bilang ‘Pantasya ng Bayan.’ Ngunit alam niyo ba na sa kabila ng kanyang kagandahan, naranasan na rin ni Sunshine na lumuha dahil sa isang lalaki?
Sa kanyang exclusive interview sa Philippine Entertainment Portal, nag-open up si Sunshine tungkol sa kanyang masalimuot na love life.
Ayon sa 26-anyos na aktres, kahit pa ibinigay niya ang lahat sa kanyang boyfriend, nagawa pa rin nitong magloko. Kaya naman hanggang ngayon ay hindi niya pa daw nararanasan ang true love.

“Sa experience ko, hindi totoo na kahit gaano ka pa kaganda, ka-fresh, maligo ka pa every day, kung yung partner mo may sakit talaga, sakit niya talaga iyan. Ewan ko lang, ha, yung true love, as in super super true love, hindi ko pa ‘yan na-experience,” pahayag ni Sunshine.
Dagdag pa nito, nahuli rin daw niya sa akto ang kanyang ex-boyfriend na may kasamang ibang babae. Isang araw, nagpaalam daw ito na pupunta sa burol ng kanyang ina. Ngunit nagulat na lamang si Sunshine nang makita niya ang sasakyan na ito at tila iba ang direksyon na pinupuntahan!

Matapos niyang sundan ang sasakyan, saka niya nakita ang isang babae na bumaba mula dito. Doon na niya nakumpirma ang kanyang kutob na may ginagawa nga itong kalokohan. Ngunit sa kabila ng lahat, mayroon naman daw siyang natutunan na mahalagang aral mula sa mapait na karanasan niyang ito.
“Lahat ng gusto niya, sunud-sunuran talaga ako. Kasi feeling ko, forever na. Nagbago ako. Ang dami ko natutunan. Hindi pala lahat ang mundo mo sa kanya. Kailangan mo talaga mag-step out of the box. Dapat matuto ka mamuhay mag-isa. Importante iyon.”

Read Also: Mariel Rodriguez, Pinanganga ang mga Fans sa Bagong Sexy Transformation Niya!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karansan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment