"Hindi biro trabaho nyo"- Eula Valdez, Mas Lalong Bumilib sa mga Delivery Riders Matapos Maranasan ang Hirap Nila

Hindi madali ang trabaho ng mga delivery riders. Sa kalagitnaan ng pandemic, tinataya nila ang kanilang kaligtasan para lamang maghatid ng mga essential deliveries sa kanilang mga customers. Kaya naman maituturing na essential workers rin ang mga riders, na handang itaya ang buhay nila para makapaghanapbuhay lang.

Kaya naman labis ang pagsaludo ng beteranang aktres na si Eula Valdez matapos niyang maranasan ang araw araw na tinitiis ng mga delivery riders.

Kamakailan lang, nagbahagi si Eula ng kanyang karanasan sa social media. Ayon sa 52-anyos na aktres, hindi niya alam kung paano natitiis ng mga riders ang hirap na dinaranas nila araw araw.

Read Also: Aljur Abrenica, Nag-Open Up sa Matinding Pagsubok na Pinagdaanan Nila ng Misis na si Kylie

Ibinahagi ni Eula ang kanyang ride sa Honda CB650R na mayroong 649cc engine. Noong May 11, nag-ride si Eula at halos himatayin daw siya sa sobrang init ng panahon. Ayon pa sa beteranang aktres, bilib siya sa mga delivery riders na nagagawa ito kahit pa tirik ang araw.

“Super init! Mahirap mag maintain ng bango, today you may call me Hulas Valdes. Bilib ako sa mga delivery riders natin na whole day nasa kalsada, wow! Hindi biro trabajo ninyo! Pwede kang mag pass out sa tindi ng init ng araw! Ingat po tayo at mag baon ng tubig! Humihilik daw ako kagabi. Nakakapagod kase.”

Sa kabilang banda, agad namang nag-viral sa social media ang post na ito ni Eula. Maraming netizens rin ang agad na napa-comment sa post ng Kapamilya star:

“Wow galing naman ni ms eula,mala Tomb Raider datingan, award winning actress talaga yan since pa ng bagets, beauty pa din until now, kht action movie pwd yan.”

“Seeing Eula reminds me of Kandee in her motorcycle with the helmet on during our HS days!.”

“Ingat lagi sa pg motor,mam EULA aq ung lalaki na crush n crush ka since binata pko,lalo na nung sikat p ang pangalan sayo..ikaw ang Amor ko.”

Read More: Catriona Gray, Bakit nga ba Hindi Kasamang Mag-Celebrate ng 37th Birthday ni Sam Milby?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow at mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment