Babaeng Topnotcher sa Architect Licensure Exam, Ipinasilip ang Loob ng Kanyang Kwarto!

Ayon nga sa kasabihan, walang tiyaga kung walang nilaga. Kaya naman kung may pangarap ka, dapat ay magsikap at magtiyaga ka upang makamit ito. Walang pangarap na madali, kaya naman dapat ay pursigido ka at hindi nauubusan ng motibasyon. Kahit pa mahirap ang iyong pinagdaraanan, matutulungan ka naman nitong makamit ang iyong layunin.

Gaya na lamang ng arkitektong ito na nagpahanga sa mga netizens! Ang architecture student na si Lei Ramos ang nag-topnotcher sa nagdaang licensure exam noong 2019. Matagal niya ring pinaghandaan ang licensure exam na ito, at sa huli ay sulit naman ang mga pagsisikap at sakripisyo niya!

Read More: “Hindi kami nagnakaw”- Mga Babaeng Na-Bash Matapos Manlimas ng Isang Community Pantry, Nagsalita na!

Ilang linggo matapos ang exam, si Lei ang itinanghal na topnotcher. Labis na naging proud ang mga kaklase at pamilya nito, lalo pa’t libo-libo rin ang nag-take ng licensure exam at bukod tanging si Lei lamang ang nag number 1. Proud rin sa achievement niyang ito ang kapatid niya, na nagpost sa Facebook.

“All the hard work and sleepless nights had paid off! This is my sister’s room. Top 1 in Architecture Licensure Examination Lei Ramos,” pahayag ng kanyang kapatid sa Facebook. Ibinahagi rin nito ang mga larawan ng kwarto ni Lei, na punong-puno ng mga posters ng kanyang reviewer.

Siguradong mamamangha kayo sa kanyang kwarto! Halos buong dingding ay mayroong nakadikit na manila paper, kung saan makikita ang mga lessons at notes ni Lei. Ayon pa sa kanyang kapatid, ilang buwan rin daw pinaghandaan ni Lei ang kanyang exam. Halos gabi-gabi rin ay puyat ito sa kaka-review.

Sa loob ng kanyang kwarto, nagkalat rin ang mga libro at reviewers. Technique ito ni Lei upang mabilis niya lamang matandaan ang kanyang mga inaral, at hindi ito madaling mawala sa kanyang isipan. Talagang nakakahanga ang kanyang dedikasyon at kasipagan sa kanyang propesyon!

Read More: Wais na Nanay, Nag-Viral Matapos Pagtripan ang Anak na Laging Nagse-Cellphone!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment