Tuwing nanonood tayo ng balita, madalas ay laging seryoso at pormal ang mga reporters at news anchors sa harap ng kamera. Bilang mga public personalities, ine-expect ng mga televiewers na laging presentable ang mga reporters at anchors. Ngunit paminsan-minsan, nagagawa rin nilang mag-entertain ng audience. Gaya na lamang ng ginawa ng mga anchors ng “24 Oras.”
Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang pilyong usapan ng mga anchors na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, at hindi rin nagpahuli si Vicky Morales.
Sanay na tayong makita ang tatlong ito na naghahatid ng maiinit na balita tuwing gabi, ngunit paminsan-minsan ay pinapatawa rin nila ang mga manonood.

Read More: Jake Zyrus, May Gigil na Gigil na Mensahe sa mga Bashers na Pilit Ibinabalik ang Nakaraan Niya
Sa kanilang live telecast noong May 21, 2021, maraming audience ang naaliw sa usapan ng tatlo. Isa sa mga balita na cinover nila ay ang pagtutuli sa mga kalalakihan sa kabila ng pandemic. Napag-usapan rin nila kung ang circumcision ay maiko-consider ba na “essential.”
Matapos ang report, pabiro namang tinanong ni Mel ang kanyang partner na si Mike kung anong masasabi nito sa balitang iyon. “Anong masasabi mo? Hindi namin alam ni Vicky iyan, wala kaming experience diyan, ha. E, kaya nga, e, di ikaw. Anong take me doon? What’s your take, Mike Enriquez?”

Natatawa naman si Mike, at mas piniling iwasang sagutin ang tanong ni Mel. Hindi naman nagpahuli si Vicky Morales, at sa wrap up niya, nagkunwari pa ang anchor na nagkamali ng litanya: “At dahil hindi natutuli… ay natutulog ang balita!”
Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nag-react dito. Agad nag-viral sa social media ang clip ng usapan ng mga “24 Oras” anchors. Ayon pa sa kanila, napaka refreshing nga namang makita ang ganitong klaseng jokes sa gitna ng mga seryosong balita na inihahatid nila.
Read More: Sunshine Guimary, Game na Game Ipakita ang Kanyang ‘Asset’ sa Bed Scenes Nila ni Ion Perez

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment