Mahilig ka bang mag-explore? Marami sa atin ang nagnanais na maglakbay sa mga lugar kung saan wala pang ibang nakakarating. Talagang napaka interesante at exciting nga naman ang mag-explore, lalo na’t kung hindi mo alam kung anong matatagpuan mo. Gaya na lamang ng vlogger na ito, na madalas ibahagi ang mga nakakamanghang lugar na napupuntahan niya.
Kilala sa Youtube ang channel ni WWII History Hunter. Gaya ng kanyang username, mahilig mag-explore ang lalaking ito sa mga lugar na pinangyarihan ng World War 2 noong 1939 hanggang 1945. Nais rin niyang alalahanin ang mga makasaysayang pangyayari na naganap sa mga lugar na ito.

Read More: Haba ng Hair! China Roces, Kinilig sa Bagong Surprise sa Kanya ni Mr. Anonymous
Tuwing nag-e-explore siya ay lagi rin siyang may dalang camera upang mai-record ang kung ano mang natagpuan niya. Sa isang video, ipinakita ng vlogger na naglalakad siya sa isang malaking kagubatan sa Atlantic region. Walang tao sa paligid, at talaga namang masasabing mukhang abandonado na ang lugar.
Maya-maya pa, napansin niya na mayroong trap door sa lupa. Unti-unti niya itong hinukay, hanggang sa nakita niya ang kabuuan ng makipot na pinto. Nang pinasok niya ito, hindi niya akalain ang matatagpuan niya sa loob! Habang bitbit ang kanyang camera, dahan-dahan siyang bumaba sa trap door.


Halos tatlong kilometro rin ang haba ng makipot na espasyong pinasukan niya. Pagpasok niya sa loob, mapapansin na talagang pinaglipasan na ng panahon ang bunker na ito. Kinakalawang na ang mga bakal, at tila nabubulok na rin ang kahoy na pintuan sa loob. Nakakita rin siya ng mga lumang baril.
Ayon kay WWII History Hunter, mukhang dating kuta ng mga sundalong German ang bunker na ito. Sinadya nilang ilagay ito sa gitna ng kagubatan upang hindi agad matunton ng mga kalaban. Ang tanging paraan lamang para makapasok dito ay ang makipot na trap door na nakita niya.

Read More: Mga Batang Musmos sa Kalye, Walang Pambili ng Pagkain Ngunit May Pang-Yosi!
Panoorin ang kanyang exploration dito:
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment