Hindi madali ang trabaho ng isang artista. Araw-araw ay kung saan saan sila napapadpad para mag shooting ng mga projects. Kaya naman bilang artista, mahalaga na mayroon kang reliable na sasakyan na magagamit mo sa iyong pang-araw araw na lakad. Dahil dito, usong-uso na ngayon ang mga modified vans.
Marahil ay nakakita na rin kayo ng ‘artista van.’ Kumpleto ito sa mga napakacool na features upang masiguradong komportable ang mga sakay nito kahit pa traffic at malayo ang biyahe. Isa sa mga artista na nagbahagi ng kanyang van tour ay ang 23-anyos Youtube star na si Ivana Alawi.

Read More: “Kaya ko ng ipaglaban sarili ko!”- Jelai, May Matapang na Mensahe sa mga Taong Nanakit sa Kanya
Kamakailan lang, ipinasilip ni Ivana sa kanyang mga followers ang kanyang celebrity van na matagal nang nirerequest ng mga fans. Paniguradong mamamangha kayo sa napakagandang van ni Ivana na ipina-modify niya rin sa Atoy Customs, na siyang takbuhan ng mga celebrities upang pagandahin ang kanilang van.
Ang sasakyan ni Ivana ay isang Toyota HiAce Super Grandia. Maluwag ito at talaga namang perfect sa mga outing, pero mas lalo pa itong pinaganda ng vlogger! Ayon sa Atoy Customs, hindi rin biro ang inabot ng pagpapaayos ni Ivana sa kanyang van. Tumataginting na P600,000 ang ginastos niya dito!

Mayroon rin itong leather reclining chair upang mas komportable ang byahe. At para maaliw sila, nagpa-install rin si Ivana ng flat screen television. Maaari ring maconvert sa single bed ang kanyang mahabang bench, at ayon sa aktres, tuwing malayo ang kanilang pinupuntahan ay umiidlip siya dito.
Sa likod naman ng van ay mayroong personal space si Ivana para mag-ayos ng kanyang sarili. Nagpa-install siya ng vanity dresser na mayroong led lights para makapag-ayos siya ng hair and make up kahit pa nasa loob lamang ng van.


Read More: “Kung gusto mo ko ipaaresto, go ahead”- Jon Gutierrez, May Huling Mensahe kay Jelai
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment