Loyal na Aso, Labis na Nalungkot at Ayaw Umalis sa Puntod ng Namayapa Niyang Amo

Ang mga aso ay tinaguriang man’s best friend. Hindi lang sila basta bastang hayop, dahil nagbibigay rin sila ng kasiyahan sa puso ng mga amo nila. Bukod sa pagiging loyal, maaasahan rin ang mga aso na bantayan at protektahan ang kanilang mga amo. Kaya naman hindi na rin nakakapagtaka kung bakit parang pamilya na ang turing ng karamihan sa kanilang mga aso.

Ngunit alam niyo ba na nakakaramdam rin ng emosyon ang mga alaga nating aso? Nararamdaman nila kung gaano natin sila kamahal, at ibinabalik naman nila ito sa atin.

Dahil dito, karamihan sa kanila ay protective sa kanilang mga amo. Nalulungkot rin ang mga aso kapag napapalayo sila sa kanilang pet owners.

Read More: Lolo na Panyo Lang ang Nagsisilbing Face Mask, Laking Tuwa Matapos Makatanggap ng Tulong Mula sa Community Pantry

Gaya na lamang ng mga asong ito, na hindi iniwan ang kanilang mga amo kahit pa namayapa na ang mga ito. Kamakailan lang, nag-viral sa social media ang collection ng clips na ito na siguradong magpapaantig sa puso niyo. Makikita rin dito kung gaano katalino ang mga aso, dahil nararamdaman nila kung mayroong mali sa kanilang amo.

Kabilang na sa kanila ang Siberian Husky na ito, na nagpapaalam sa puntod ng kanyang namayapang amo. Matagal na rin silang nagkasama, kaya naman labis rin na nalungkot ang asong ito sa pagkawala ng amo niya. Nakahiga ito sa lapida at tila hinihintay na magising ang kanyang amo.

Sa video, makikita rin ang isa pang aso na sinamahan ang kanyang amo sa ospital. Halos wala ng malay ang lalaking ito, at mayroong nakakabit na breathing tube sa kanyang leeg. Ngunit kahit pa hinang-hina na siya, hindi siya iniwanan ng kanyang loyal na alaga, na katabi pa rin niya sa kama hanggang sa huli.

Talagang nakakaantig ang mga videos na ito, at kung mahilig ka rin sa mga hayop, paniguradong maiiyak ka. Sa kabilang banda, agad namang nag-viral sa social media ang video na ito. Sa ngayon ay umabot na ito sa mahigit 627,000 reactions sa Facebook.

Read Also: Jamill, Nag-Public Apology sa Harap Mismo ni Tulfo Matapos Ireklamo ng Inindyan Nilang Stylist!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment