Naaalala niyo pa ba si Bearwin Meily? Isa siya sa mga pinakakinagigiliwan na komedyante sa showbiz. Dahil sa kanyang charm at talento pagdating sa comedy, bumida na rin si Bearwin sa mga pelikula at programa. Kabilang sa mga huling projects ni Bearwin ay ang sit com na “Home Sweetie Home” sa Kapamilya network.
Ngunit matapos ng project na iyon, mas pinili ni Bearwin na mag-focus sa kanyang asawa at dalawang anak nila. Dahil sa kanyang sipag at tiyaga, nakapagpundar siya ng kanilang dream home bago ang pandemic. Proud na proud rin ang comedian dahil sa maayos na buhay na naibigay niya sa kanyang mga anak.


Read More: Pa VIP nga ba? Angelica Panganiban, Umani ng Batikos Matapos Mag-Rant Tungkol sa Red Cross
Kamakailan lang, nagpaunlak ng interview si Bearwin kay Ogie Diaz. Sa kanilang heart-to-heart talk, inamin ni Bearwin na may mga pagsubok silang pinagdadaanan ngayon. Hindi mapigilang maging emosyonal ng komedyante habang inaalala ang kanilang mga pinagdaanan ngayong pandemic.
Kagaya ng karamihan sa atin, nasubok rin ang katatagan ni Bearwin at ng pamilya nito ngayong pandemic. Dumating sa punto na kinailangan nilang ibenta ang kanilang dream home dahil sa kagipitan.
“Before pandemic nakabili ako ng bahay. Pag wala ka nang aasahan dito, walang industriya, walang trabaho, wala kang ibang lalapitan kung di ang Diyos. Kahit hindi mo matanggap na ibebenta mo yung bahay mo, ibebenta mo e. Binenta namin yung bahay namin kasi wala kaming pambayad,” pahayag ng komedyante.


Sa kabila ng mga pagsubok, patuloy pa rin ang pagkayod at paglaban ni Bearwin para sa kanyang pamilya. Proud rin daw siya dahil napagtapos niya ang kanyang mga anak sa kabila ng mga kinakaharap nila na problema. Sa ngayon ay nagtayo si Bearwin ng food stand kung saan nagbebenta siya ng mga corndogs.
“It’s human nature na malungkot ako from the past but where I am right now it’s really a big blessing compared to others. Even seeing my family, my kids growing up. Napapagraduate ko, napapaaral ko sila nang maayos sa hirap sa tiyaga – naghuhugas ako, nagbebenta ako, nagluluto ako, ni kailan hindi nagkulang ang Panginoon sa amin.”
Read More: Babae, Laking Pagsisisi Matapos Ganito ang Mangyari sa Mukha Niya Dahil sa Hair Dye!


Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment