Pa VIP nga ba? Angelica Panganiban, Umani ng Batikos Matapos Mag-Rant Tungkol sa Red Cross

Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang Kapamilya aktres na si Angelica Panganiban. Nagsimula ito noong ipahayag ng aktres ang kanyang saloobin tungkol sa Red Cross sa Subic, Zambales. Ayon kay Angelica, nakapila sila sa parking lot ng Red Cross, ngunit isang oras na ang lumipas ay hindi pa rin sila natatawag para sa swab test.

Hirit pa ng aktres, mukhang mas inuuna ng Red Cross ang mga bagong dating kumpara sa kanila na isang oras na mahigit naghihintay.

Ayon rin kay Angelica, mukhang may palakasan na nangyayari sa Red Cross. Agad namang nag-post ito sa Twitter upang ipaalam sa mga netizens ang nangyayari.

Read More: Babae, Laking Pagsisisi Matapos Ganito ang Mangyari sa Mukha Niya Dahil sa Hair Dye!

“Taray ng Red Cross dito sa Subic, di sila namamansin. Hello Red Cross Subic! Isang oras na kami dito sa parking area niyo. Nakaalis na din mga nakasabay namin. At inuna niyo pa yung ibang bagong dating. Okay lang naman kung palakasan, tweet ko na lang,” pahayag ng aktres sa Twitter.

Ngunit imbes na makakuha ng simpatya ay tila nag backfire pa ito kay Angelica. May mga tao mula sa Red Cross Subic ang sinagot ang mga paratang ng aktres.

Nilinaw rin nila ang totoong pangyayari na tila hindi isinama ni Angelica sa kanyang tweet. Isang John Daniel Isabelo, na nasa Red Cross mismo, ang nag-komento sa Facebook.

“Wala naman po sa parking area ang verification window namin. Sana try din po nila pumila kagaya ng mga normal na tao since pare parehas lang naman po sila ng binabayad. Ni hindi nga po sila bumaba para magpaverify, kami pa lumapit sa kanila sa sasakyan. Next time na magpaswab ka, 12 midnight papasok na kami para antayin ka.”

Ayon pa sa iba, walang appointment si Angelica noong araw na iyon, ngunit nagawa pa rin siyang isingit ng mga Red Cross staff. Sa katunayan, may nakasabay pa raw ang aktres na isang nag-aagaw buhay sa loob ng ambulansya.

Dahil dito, umani ng batikos si Angelica sa social media. Maraming netizens ang inakusahan ang aktres sa pagpapa-VIP. Ayon pa sa kanila, hindi man lang naa-appreciate ni Angelica ang hirap ng mga frontliners bagkus ay nagawa pa nitong mag-reklamo sa social media.

Read Also: Kilalang Singer, Ibinahagi ang Masalimuot ng Dinanas Niya Bago Sumikat na Talagang Nagpaiyak sa mga Fans

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment