Punong-puno ng magagandang lugar ang ating mundo na maaari nating bisitahin. Ngunit alam niyo ba na may mga lugar rin na bawal puntahan ng mga turista? Iba’t-iba ang dahilan kung bakit hindi maaaring dayuhin ang mga lugar na ito, ngunit kadalasan ay may nagbabadyang panganib dito na maaaring ikapahamak ng mga dadalaw.
Silipin natin ang mga lugar na ito mula sa iba’t-ibang panig ng mundo na hindi maaaring puntahan! Kung magpaplano kang mamasyal, iwasan mo ang mga lugar na ito dahil baka maantala lamang ang iyong bakasyon.
1. Isla de la Quemada Grande, Brazil

Maraming magagandang lugar sa Brazil, ngunit ang isla na ito ay sarado sa publiko dahil maraming mapanganib na ahas dito. Isinara ng gobyerno ang isla na ito dahil maraming nakatira na Golden Spear Viper dito. Kapag natuklaw ka nito, maaari kang pumanaw sa loob lamang ng isang oras!
2. North Sentinel Island, India

Ang North Sentinel ay isang isla sa India na malapit sa Indian ocean. Tahanan ito ng mga tribo na hindi pa nakakaranas ng modernong pamumuhay. Ipinagbabawal ang pagpunta dito dahil maaaring makapagdala ng mga virus o sakit ang mga turista sa mga naninirahan dito.
3. Lascaux Cave, France

Ang Lascaux cave ay punong-puno ng mga prehistoric drawings ng mga sinaunang tao. Ayon sa mga eksperto, tinatayang 17,000 years old na ang mga drawing na ito. Upang maprotektahan ito sa mga turista, ipinagbabawal ang publiko na puntahan ito.
4. Poveglia, Italy

Talagang nakakaakit ang lugar na ito, ngunit alam niyo bang mayroon itong malagim na istorya? Noong kumalat ang bubonic plague sa Italy, ang Poveglia ang naging quarantine facility ng libo-libong tao. Karamihan sa kanila ay dito na rin pumanaw. Hanggang ngayon, makikita pa rin ang mga buto nila dito.
5. Famagusta, Cyprus

Noong 1960s, ang Famagusta ang isa sa mga top tourist destinations sa buong mundo. Maging ang aktres na si Elizabeth Taylor ay mahilig magbakasyon dito. Ngunit matapos sakupin ng Turkey ang Cyprus, naging ghost town na ang coastal city na ito. Hanggang ngayon ay hindi na ito muling naayos pa.
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment