Maraming pageant fans ang nag-abang sa National Costume segment ng Miss Universe 2020. Inabangan rin ng mga Filipino fans ang pagrampa ng kandidate natin na si Rabiya Mateo. Ngunit sa kabila ng bonggang flag-inspired costume ni Rabiya, mukhang hindi lahat ay na-impress dito. Isa na sa kanila ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.
Isa si Catriona sa mga nakaabang sa pageant ng Miss Universe. Ayon sa dating beauty queen, isa sa mga paborito niyang segment ay ang National Costume dahil dito lumalabas ang pagiging resourceful at creative ng mga kandidate. Nagbigay rin ng opinyon si Cat sa kung sino ang mga paborito niyang costumes ngayong Miss Universe 2020.

Read More: Rabiya Mateo, Nagkaroon ng Wardrobe Malfunction sa National Costume ng Miss Universe Pageant
Sa Twitter, ibinahagi ni Cat ang mga best picks niya para sa segment na ito. Pinuri ng dating Miss Universe ang costumes ng Indonesia, Peru, Thailand, Ukraine, at Vietnam. Kapansin-pansin na wala sa top 6 ni Cat ang pambato ng Pinas na si Rabiya Mateo.
Dahil dito, maraming netizens ang nag-react at nagsabing kulang sa suporta si Catriona para sa ating kandidata. Ayon pa sa iba, dapat ay pinuri rin ni Catriona ang costume ni Rabiya upang mabigyan ng boost of morale ang kandidata sa pagharap niya sa pageant.

Sa kabilang banda, agad namang nagrelease ng update si Catriona tungkol sa kanyang tweet. Nilinaw nito na ang top 6 niya ay nakabase lamang sa kanilang mga National Costumes, at hindi sa galing nila sa pageant. Dinagdag rin nito na excited na siyang makita ang performance ni Rabiya sa prelims.
“My best in National Costume picks are my favorite National Costumes, not based on the candidates performance. I love the celebration of culture and a country’s expression of identity which is why its one of my favorite segments in Miss Universe!”

Read Also: Nakatakdang Kasalan ni Carla Abellana at Tom Rodriguez, May Petsa na!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment