Karamihan sa atin ay pinaghahandaan ang ating pagtanda. Nais natin na sa panahong ito, nagpapahinga na lamang tayo sa bahay. Ngunit mayroon ding mga matatanda na nais pa ring kumayod at magtrabaho sa kabila ng kanilang edad. Ayaw nilang magpahinga lamang sa bahay, at mas nais nilang magbanat ng buto. Gaya na lamang ng lolang ito.
Paniguradong hahanga kayo sa lakas at resistensya ng 74-anyos na si Lola Maria. Sa kabila ng kanyang katandaan, talagang malakas at matikas pa si Lola.
Kaya naman naitampok rin ang kanyang nakakahangang kwento sa programa na “Frontrow” ng GMA 7. Maraming netizens ang talaga namang naantig sa kwento niya.

Read More: Angel Locsin, Pasimpleng Nag-Abot ng Pera sa Isang Tatay na Umiiyak sa Ospital
Kahit pa matanda na si Lola, pinipilit niya pa ring kumayod para sa kanyang pamilya. Isa siyang maninisid ng barya sa pier.
Madaling araw pa lamang ay pumupunta na siya sa Dalahican Ferry Terminal sa Lucena, Quezon, upang sisirin ang mga barya na inihahagis ng mga pasahero ng ferry.
Ito na lamang ang pinagkakakitaan ni Lola Maria. Araw araw, walang sawa siyang sumisisid upang maabot ang barya baryang hinahagis ng mga pasahero. Ayon kay Lola, maaari siyang kumita ng isang daan hanggang dalawang daang piso, depende kung gaano karaming pasahero ang maghahagis ng barya.


Ginagamit niya raw ang kanyang kinikita para buhayin ang kanyang mga apo. Ayon kay Lola, tanging siya na lamang ang inaasahan ng mga apo niya.
Pinagkakasya niya ang kanyang kinikita sa araw araw na pagsisid upang may maipang-laman tiyan sila at makapasok sa eskwelahan ang kanyang mga apo.
Ayon pa kay Lola, nahihirapan na rin siya dahil lumalabo na ang kanyang mata. Sa kabila ng lahat, tinitiis niya ang hirap at pagsubok para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Read More: Maui Taylor, Nag-Viral Matapos Sagutin ang Lalaking Nambastos sa Kanya Online!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment