Hindi maipagkakailang mas masaya ang birthday celebration kung kasama natin ang ating mga mahal sa buhay. Ngunit kahit pa malayo sila, may mga paraan pa rin upang iparamdam nila ang kanilang pagmamahal. Gaya na lamang ng ginawa ni Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa kanyang boyfriend na si Sam Milby.
Espesyal ang May 23 para sa aktor na si Sam Milby. Sa araw na ito, ipinagdiriwang niya ang kanyang ika-37 na kaarawan.
Ngunit kahit wala sa tabi niya ang kanyang girlfriend, nagawa pa rin ni Cat na ipahayag ang kanyang pagmamahal kay Sam. Nag-post ito ng isang nakakakilig na mensahe para sa kanyang birthday boy.

Read More: Pa VIP nga ba? Angelica Panganiban, Umani ng Batikos Matapos Mag-Rant Tungkol sa Red Cross
“Happy birthday my love, Sam Milby! So sad I can’t be with you today to celebrate, even though you hate birthdays. But I’m so thankful I get to do life with you. I love you so much,” ito ang sweet na sweet na mensahe ni Catriona para sa kanyang boyfriend sa Instagram.
Ayon sa report mula sa Philippine Entertainment Portal, hindi nakasamang magcelebrate ni Catriona si Sam dahil kasalukuyang nasa Australia ito upang bisitahin ang kanyang pamilya na nakatira doon.

Matatandaang noong May 2020 nang isapubliko ni Sam Milby at Catriona Gray ang kanilang relasyon. Sa ika-36 na birthday ng aktor, ibinuking niya rin na si Catriona ang espesyal na babaeng bumihag sa kanyang puso. Nagbahagi rin si Sam ng isang polaroid photo kung saan makikitang magkayakap sila ng beauty queen.
Maraming netizens naman ang kinilig sa balitang ito. Maging ang mga fellow celebrities ng couple ay nagpahayag ng kanilang kilig comments sa jowa reveal ni Sam Milby. Kasama sa mga nagkomento ay sina Angelica Panganiban, Erik Santos, Maxene Magalona, KC Concepcion, at Moira.


Read More: Babae, Laking Pagsisisi Matapos Ganito ang Mangyari sa Mukha Niya Dahil sa Hair Dye!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment