Jake Zyrus, May Gigil na Gigil na Mensahe sa mga Bashers na Pilit Ibinabalik ang Nakaraan Niya

Hindi mapigilang maging emosyonal ng singer na si Jake Zyrus sa social media. Kamakailan lang, nagbahagi ng statement ang award-winning singer para sa mga bashers niya na patuloy siyang kinukutya online. Ayon kay Jake, hanggang ngayon ay marami pa ring humuhusga sa kanyang pagkatao at ikinukumpara siya sa dati niyang katauhan bilang Charice Pempengco.

Ayon sa singer, maraming bashers sa social media ang nagsasabi na nami-miss na nila ang dating katauhan niya bilang Charice. Humingi ng pang-unawa at respeto si Jake, at nilinaw na pambabastos ang ginagawa nilang ito dahil hindi nila tanggap ang katauhan niya ngayon.

Read More: Toni Fowler, Mananagot Matapos Magpa-Meet and Greet sa mga Fans sa Kalagitnaan ng Pandemic

“Sabi ko wag na patulan mga ganung tao kasi nagiging feeling na. Pero hindi, kasi bastos na talaga ang iba. Okay kung i-compliment mo, pero para ipangalandakan mo na ‘Charice is coming back,’ and also binabastos na ang pagkatao ko nang dahil lang doon. Get your transphobia away from me.”

Ibinunyag rin ni Jake na mayroong mga interviews kung saan nalilito siya dahil maraming nagsasabi na nami-miss nila ang dating Charice

Sa ganitong sitwasyon, aminado si Jake na feeling awkward siya kaya naman ngumingiti na lamang siya. Ngunit ang totoo ay hindi okay sa kanya ang mga ganitong pangyayari.

Bukod pa dito, nilinaw rin ni Jake na malaki ang pasasalamat at respeto niya sa mga taong tanggap ang kanyang pagkatao. Pinasalamatan rin ng singer ang mga fans na patuloy sumusuporta sa kanyang career kahit pa nagtransition siya mula sa pagiging si Charice patuloy sa kanyang bagong identity bilang Jake.

“I will always have my utmost respect sa mga taong nirerespeto ang nakaraan at ang kasalukuyan ko. Hindi yung respeto sa nakaraan, bastusin ang kasalukuyan. Salamat sa mga nirerespeto ang mga nagawa ko before at nagagawa ko ngayon. Salamat sa mga nandyan dahil sa mga nagagawa ko ngayon.”

Read Also: “It hurt”- Jericho Rosales, Naranasang Makutya ng Ibang Tao Dahil Hindi Magaling Mag-English

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment