Sa panahon ngayon, connected na tayong lahat sa pamamagitan ng social media. Maraming fans na rin ang nakakapag-interact sa kanilang mga idols gamit lamang ang Facebook o Instagram. Ngunit paminsan-minsan, hindi maiiwasang magkaroon ng bashers sa social media. At bilang artista, dapat ay alam rin nila kung paano maghandle ng ganitong sitwasyon.
Mayroong mga artista na dinededma lamang ang kanilang mga bashers. Hindi sila nagpapatalo sa mga masasakit na salitang natatanggap nila, bagkus ay ini-ignore na lang nila ito. Ngunit mayroon ring mga celebs na sinasagot ang mga bashers, lalo na’t kung below-the-belt na ang tirada ng mga ito.

Read More: Julia Barreto, Prinangka ang Tatay na si Dennis Kung Ilan ang Naging Asawa Nito
Isa na sa kanila ang beteranang aktres na si Maui Taylor. Kamakailan lang, pinatawa ni Maui ang mga netizens matapos nitong replyan ang isang basher na nambastos sa kanya sa social media. Nagbahagi si Maui ng kanyang sizzling wet look sa Facebook, at isang nagngagalang Kirby Jocson ang nag-comment.
“Idol gawa ka ulet b*ld,” ito ang pahayag ni Jocson sa larawan ni Maui. Hindi naman ito pinalagpas ng aktres, at agad rin siyang nag-comment ng “Di na, ikaw na lang panoorin ka namin.” Umani naman ang witty response na ito ni Maui ng maraming reaksyon mula sa mga netizens.


Ayon sa mga netizens, hindi na dapat pa inuungkat ang nakaraan ng beteranang aktres. Sa kanyang kasagsagan sa industriya, nakilala si Maui sa kanyang mga daring na pelikula. Isa rin siya sa tinaguriang pantasya ng bayan noong mga panahong iyon.
Gayunpaman, aminado ang aktres na marami rin siyang natutunan sa kanyang mga karanasan, at hindi niya pinagsisisihan ito. Sa kabila ng lahat, dito pa rin nakilala ang pangalan niya bilang Maui Taylor.
Read More: Zeinab Harake, Ipinasilip ang Mukha ng Napakacute na Baby Nila ni Skusta Clee

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment