Talagang maraming nakakamanghang pangyayari sa ating kapaligiran. Kadalasan ay mapapakamot na lang tayo ng ulo dahil hindi pa natin lubos na naiintindihan kung bakit at paano nangyayari ang mga ito. Gaya na lamang ng pagbuo ng mga ipo-ipo sa tubig. Nakakita ka na rin ba nito sa totoong buhay? Curious ka ba kung paano ito nabubuo?
Nakakamangha at nakakatakot ring tignan ang mga ipo-ipo sa tubig, o whirlpool, dahil maaari tayong hilahin nito sa ilalim.
Dahil dito, maraming tao ang naku-curious kung ano nga ba ang nasa ilalim ng isang whirlpool. Kaya naman para sagutin ang tanong na ito, isang matapang na photographer ang isinugal ang kanyang buhay upang makuhaan ito ng litrato!

Read More: “Kung gusto mo ko ipaaresto, go ahead”- Jon Gutierrez, May Huling Mensahe kay Jelai
Ang mga ipo-ipo o whirlpool ay nabubuo sa mabilis na pag-ikot ng tubig sa dagat, lawa, at iba pang anyong tubig. Nakakabighani man itong tignan, ngunit may mga pagkakataon na delikado ito.
Malakas ang current ng tubig sa ilalim ng whirlpool, kaya naman lahat ng bagay na sumasabit dito ay napupunta sa mata ng ipo-ipo.
Kaya naman nagpasya ang British photographer na si Jacob Cockle na silipin kung ano nga ba ang nangyayari sa ilalim ng whirlpool.
Kilala rin si Jacob sa kanyang mga kakaibang underwater adventures. Dala ang kanyang camera, tuluyan na nga itong nag-dive sa ilalim ng whirlpool.


Sa kanyang vlog, kitang-kita kung paanong matapang na tinalon ni Jacob ang whirlpool. Nagdala rin siya ng water-resistant na camera upang masilip at makuhaan ng video ang ilalim ng ipo-ipo. Nagtagumpay naman siya, at agad nag-viral ang footage na ito!
Maraming fans ang humanga sa lakas ng loob ni Jacob. Mabuti na lamang at experienced swimmer sya, kaya naman hindi siya natangay ng malakas na whirlpool.
Read More: “Parang pang-hotel sa sosyal”- Netizens, Napa-“Wow” sa Garden ni Cheska Garcia!


Panoorin ang buong nakakamanghang video ni Jacob dito:
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment