Base sa paniniwala nating mga Pinoy, ang ina ang ilaw ng tahanan. Totoo nga namang hindi kumpleto at malungkot ang bahay kung walang nanay. Kaya naman kahit pa successful na sa buhay ang single dad na ito, patuloy pa rin siyang naghahanap ng babaeng makakasama niya at mag-aalaga sa kanyang tatlong anak.
Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang post ng isang netizen na nagngangalang Don Dizon.
Sa kanyang post, ibinahagi ni Don na sa wakas ay nakalipat na sila ng kanyang tatlong anak sa kanilang bagong tahanan. Matagal rin daw nilang pinangarap na magkaroon ng sariling bahay, at sa wakas ay nakamit na niya ito.


Read More: “Bukas ang aking tahanan”- Pokwang, Nag-Offer na Patuluyin sa Kanyang Mansyon si Miss Myanmar
“Finally, we’re moving in! Thankful and grateful for this little space to call ‘our very own’. Pangarap para sa aking mga anak na magkaroon kami ng sariling bahay. At sila ang aking mga munting inspirasyon para mabuo ang bahay na ito. All praises to God because he is the greatest!”
Bukod pa dito, nagbiro din ang single dad na naghahanap siya ng makakatuwang sa buhay. Ayon kay Don, kung ikaw ay maga-apply, magkakaroon ka ng maraming benefits! Bukod sa P15k monthly starting, mayroong benefits gaya ng SSS, Philhealth, at life insurance din.

Ang tanging request lang ni Don ay maglilinis ng bahay at maaalagaan ang kanyang mga anak. Ayon dito, nais niyang makahanap ng tamang babae ‘para lumiwanag na ang aking buhay at ang aming bahay.’
“Wanted: Ilaw ng tahanan, para lumiwanag na ang aking buhay at ang aming bahay. Budget monthly 15,000 pesos starting. Benefits-SSS, Philhealth at life insurance. May extra 5,000 pesos GCash pang-online shopping kapag laging malinis ang bahay. Kaya huwag puro heart, wave-wave din mga mars!”
Sa kabilang banda, agad namang nag-trending ang post na ito ni Don. Umabot na sa mahigit 5.6k reacts ang kanyang viral post sa Facebook, at mukhang maraming netizens talaga ang excited na mag-apply.

Read More: Hunk Actors na Naranasang Magtrabaho sa Fast Food Bago Sumikat sa Showbiz!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.d
0 comments:
Post a Comment