Babae, Laking Pagsisisi Matapos Ganito ang Mangyari sa Mukha Niya Dahil sa Hair Dye!

Sa panahon ngayon, usong-uso na ang do-it-yourself treatments. Kahit nasa bahay ka lang, kayang-kaya mo nang magpaganda nang hindi kinakailangang magpunta sa salon. Kasama na dito ang iba’t-ibang treatment para sa iyong buhok, gaya na lamang ng pagkukulay o bleaching. Ngunit dapat ay palaging mag-ingat upang hindi malagay sa peligro, gaya na lamang ng nangyari sa babaeng ito.

Excited na ang babaeng ito na gumamit ng hair dye para sa kanyang makeover. Upang makatipid ay sa bahay niya lang ito ginawa.

Ngunit hindi niya inaasahan na ang hair dye na dapat magpapaganda sa kanya ay siya pa palang sisira sa kanyang mukha! Ibinahagi niya sa social media ang kanyang karanasan.

Read More: GMA, Willing nga bang Pagbigyan ng Blocktime Arrangement ang Rival Network na ABS-CBN?

Ayon sa netizen, gumamit siya ng hair dye upang baguhin ang kanyang buhok. Sinunod niya di umano ang mga instructions para sa hair dye, at noong una ay maayos naman ang proseso.

Ngunit makalipas ang ilang oras, saka niya napansin na tila ba namamaga ang kanyang mukha. Agad naman niyang itinigil ang pagkukulay.

Dumating sa punto na maging ang mga mata niya ay halos hindi na makakita dahil sa sobrang pagkamaga. Base sa kanyang pagri-research, allergic siya sa isang ingredient ng hair dye na kanyang ginamit. Ito rin ang naging dahilan kung bakit nagkaroon siya ng severe reaction.

“Sa paggamit ng PPD, ang buhok ay maaaring gamitan ng shampoo kung saan mananatili ang kulay nito. Ngunit sa ganitong kaso, ang paggamit ng Hair Dye ay maaaring magkaroon ng dermatitis ang upper eyelids o sa ibabaw ng tenga.

Sa kasong ito, ito ay magiging sanhi ng paglaki ng anit o mukha ng isang tao. Ang dermatitis reaction na ito ay maaaring lumaki ng lumaki,” pahayag ng isang report.

Nagbabala naman ang mga eksperto tungkol sa pangyayaring ito. Ayon sa kanila, kung ikaw ay nagbabalak na magkulay ng iyong buhok, magsagawa muna ng skin test sa loob ng 48 hours upang makita kung may epekto ba ito sa iyo bago ito tuluyang gamitin.

Read Also: Dating Kakilala ni Nadine Lustre, Ibinuking ang ‘Side Hustle’ Nito Bago Sumikat sa Showbiz!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment