Sa kalagitnaan ng pandemic, ipinagbabawal pa rin ng gobyerno ang malaking pagtitipon upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Maaaring pagmultahin o di kaya nama’y makulong ang mga taong lalabag dito. Kamakailan lang, naging usap-usapan ang sikat na vlogger na si Toni Fowler matapos lumabag sa quarantine protol sa Quezon City.
Ayon sa report ng mga otoridad, nag organize ng isang meet-and-greet si Toni Fowler at ang kapatid nito sa Cubao, Quezon City. Nais ng magkapatid na ipromote ang kanilang negosyo na frozen products. Ngunit hindi naman nila akalain na bigla na lamang dadagsa ang mga fans.

Read More: “Bukas ang aking tahanan”- Pokwang, Nag-Offer na Patuluyin sa Kanyang Mansyon si Miss Myanmar
Nilinaw ni Fowler na sa kanilang imbitasyon para sa meet-and-greet, inaasahan nilang 50 fans lamang ang pupunta dahil iyon lamang ang nagparehistro.
Kaya naman laking gulat nila kinabukasan ng magdagsaan ang mga tao, hanggang sa umabot na ang pila mula sa kanilang pwesto sa second floor ng gusali hanggang sa kalye.
Ang mga dumalo ay bumili rin ng P500 worth na frozen goods upang magkaroon ng chance na makapagpa-picture sa vlogger.

Ngunit agad namang naantala ang meet-and-greet dahil dumating ang mga tanod mula sa barangay upang itigil ito. Dahil hindi nasunod ang social distancing, agad ring pinauwi ang mga fans.
Dahil sa paglabag sa quarantine protocols, mananagot si Toni at ang kapatid nito. Sa kabilang banda, aminado naman ang dalawa na mayroon silang pagkukulang dahil hindi sila nakipag-ugnayan sa local government bago isagawa ang event na ito. Natiketan rin sila at ang lahat ng mga dumalo.
Ayon kay Toni, humingi na sila ng paumanhin at willing naman silang sagutin ang mga penalty ng mga fans na dumalo sa kanilang meet-and-greet.

Read More: Hunk Actors na Naranasang Magtrabaho sa Fast Food Bago Sumikat sa Showbiz!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment