Naaalala mo pa ba ang iyong ginagawa noong trese anyos ka? Karamihan sa mga kabataan sa edad na ito ay paglalaro at pag-aaral lamang ang iniintindi. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ito ang buhay na kinamulatan ng trese anyos na dalagitang ito mula sa Mindanao. Dahil sa murang edad niya, napilitan na siyang mag-asawa!
Marami ang talagang nagulat na naganap na kasalan nina Asnaira Pamansag Mugaling at Abdulrzak Ampatuan. Agad kumalat sa social media ang larawan ng bride at groom, at marami ang hindi makapaniwala sa age gap ng dalawa. Si Asnaira ay trese anyos lamang, samantalang ang kanyang asawang si Abdulrzak ay 48-anyos na.


Ang kasalan nila ay naganap sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao noong October 2020. Sa mga viral na larawan, makikitang nakasuot ng puting wedding gown si Asnaira. Maraming bisita rin ang dumalo para masaksihan ang pag-iisang dibdib ng mag-asawa.
Si Asnaira ang panglimang asawa ni Abdulrzak. Sa isang interview, ibinahagi naman ni Asnaira na hindi siya natatakot sa kanyang asawa dahil mabait ito sa kanya.
Sa katunayan, nais rin daw niyang matutong magluto at ng iba pang mga gawaing bahay para mapagsilbihan niya ang kanyang asawa.

Tatlong linggo matapos ang kanilang kasalan, agad namang gumawa ng bahay si Abdulrzak para sa kanyang bagong asawa. Ayon dito, susustentuhan niya rin ang pag-aaral ni Asnaira dahil nais niyang makapagtapos ito. Balak nilang magkaroon ng anak pagtungtong ni Asnaira ng bente anyos.
Sa ngayon ay inaalagaan naman ni Asnaira ang mga anak ng kanyang asawa sa iba nitong misis. Ang mga anak ni Abdulrzak ay halos kasing-edad na lang rin ng kanyang bagong asawa, ngunit mukhang hindi naman siya nababahala dito.
Read Also: Mariel Rodriguez, Pinanganga ang mga Fans sa Bagong Sexy Transformation Niya!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karansan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment