WATCH: Sundalo, Sinorpresa ang Nanay Niyang Isang Taon Rin Niyang Hindi Nakita

Hindi madali ang buhay ng sundalo. Tuwing nadedestino sila, kailangan nilang magtiis habang malayo sa kanilang pamilya. Bukod pa dito, sa bawat laban ay inilalagay rin nila ang kanilang buhay sa panganib. Sa mga oras na ito, ang pamilya na lamang nila ang tanging pag-asang pinanghahawakan nila.

Ganito rin ang hirap na naranasan ng sundalong si Christian. Na-feature sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” si Christian matapos nitong isopresa ang kanyang nanay. Halos isang taon ring napalayo si Christian sa kanyang pamilya matapos itong madestino sa isang lugar, kaya naman nais niyang sorpresahin ang kanyang ina.

Read More: Tekla at Marco, Napikon kay Donnalyn Dahil sa Umano’y ‘Unfair Rules’ Nito sa Pool Challenge!

“One year ko nang hindi nakikita nang personal ang pamilya ko. Diretso kasi duty namin. Nakadestino ako sa NAIA. Sila Inay, nasa Quezon. Miss na miss ko na sila, lalo na ‘yung nanay ko. Mama’s boy kasi talaga ako. Hindi ako nahihiyang sabihin ‘yun. Kapag umuuwi ako, tumatabi pa ako sa kanya matulog.”

Sa pagbalik ni Christian, nais niyang sorpresahin ang kanyang nanay na talaga namang malapit sa loob niya. Nagpanggap siyang katrabaho niya sa Coast Guard.

Maging ang mga kapatid niya ay hindi rin nagpahuli sa sorpresa upang makita ang reaksyon ng kanilang nanay!

“Pagpunta ko doon sa amin, nagpanggap akong classmate ko. Sabi ko may pinadala ‘yung anak niya at may pinapasabi. Nu’ng tinanggal ko na ‘yung visor ng helmet ko, nakilala niya agad ‘yung mga mata ko. Pagkayakap niya sa akin, ‘yung lahat ng pagod ko, parang nawala. Gumaan ‘yung pakiramdam ko pagyakap sa akin ni Inay.”

Silipin ang buong video dito:

Read Also: Sharon Cuneta, Emosyonal na Namaalam sa Kanyang Pamilya Upang Magpalakas Abroad

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment